Ang pamilya Abordo ng Hinoba-an, Negros Occidental ay isa sa Top 3 Regional Winners ng Salaysay ng Buhay 2021 (o dating tinatawag na Huwarang Pantawid Pamilya). Sa pagdiriwang ng Virtual Family Day sa September 30, isa ang kanilang pamilya na kilalanin at bibigyang pugay.
Heto ang kwento ni Tatay Samuel:
MAHIRAP LANG PERO KAMI AY NANGARAP UMAHON
“Kahirapan ay hindi hadlang para makamit ang ating pangarap kailangan lang natin ng pagsisikap, dedikasyon, tiwala sa Diyos at pagtutulungan ng lahat na miyembro ng Pamilya. Dapat ay palagi tayong positibo sa bawat pagharap sa mga hamon ng buhay, dahil may mga hindi inaasahang tao o bagay ang darating katulad na lang ng 4Ps. Isa ito sa mga dahilan kung bakit unti-unting guminhawa ang aming buhay.” Ito ang mahalagang aral na aking natutunan sa pag-sagwan sa alon ng aming buhay.
MGA PAGSUBOK NG KAHAPON
Ako si Samuel Ciatanan Abordo, 51 na taong gulang, nakatira sa Barangay Asia, Hinoba-an, Negros Occidental, haligi ng tahanan ng Pamilya Abordo, at ito ang salaysay ng aming buhay.

Mahirap ang aming pamumuhay, kami ay bumuklod ng aming pamilya sa malayong bukirin ng Barangay Asia kung saan kami ay namuhay sa pagtatanim ng gulay at pagsasaka sa sakahan ng iba. Isang kahig
 Isang tuka and buhay namin noon. Ipinagkakasya naming anim ang mga sarili sa barong-barong na bahay na siyang nagsisilbing tahanan namin sa mga naglipas na panahon.
Nasasaktan ang aking damdamin bilang isang ama habang karga ko ang anak kong babae at ang dalawa ay inaakay ko sa tuwing tatawirin naming ang ilog papuntang paaralan nila at sa gabi naman ay nagtitii
s ang aming mga anak na mag-aral gamit ang liwanag ng aming gasera. Walang maayos na bahay, malayo sa kabihasnan, walang kuryente at limitadong pagkakitaan: ito ang mga rason kaya napag-isipan naming mag-asawa na lumipat ng bahay malapit sa aking biyenan kung saan malapit sa paaralan ng mga bata, malapit sa dagat at nando-on ang mga kamag-anak ng aking asawa.
Nang dahil sa wala kaming sapat na pera para ipagpatayo ng aming bahay, sa tulong ng aming mga kamag-anak ay nailipat namin ang aming barong-barong mula sa bukid.
Nagtatrabaho ako bil

 

ang laborer ng mga malalaking sakayang pandagat, ako ang naglalagay ng yelo sa mga banyera ng isda at ako din ang nagbubuhat at nagdadala sa sasakyan kung sino man ang nakabili nito. Sa mga panahong iyon ako ay kumikita ng P25.00 peso sa bawat banyera na aking mabubuhat.
Pagkatapos sa dagat, ako naman ay tutungo sa bukid para bisitahin ang aking pananim. Iyan ang araw-araw na gawain ko noon para mabuhay ang aking pamilya. Kumikita ako ng sapat pambili ng bigas at baon ng mga bata sa kanilang pag-aaral. Kahit maliit ang aking kita, alam kong naging matiwasay ang aming pamumuhay, nagpapasalamat ako na nabigyan ako responsableng asawa at mga anak na may respeto, matulungin at may pag-unawa sa aming pamumuhay.
Minsan talaga sa buhay ay makakaranas ang isang pamilya ng isang dagok na susubok sa kanilang relasyon sa isa’t isa at pananampalataya sa Poong Maykapal. Naalala ko pa noong taong 2016, isang buwan akong naospital, walang trabaho dahil sa trangkaso at kalaunan ay nauwi sa typhoid fever. Kailangang bantayan ako ng aking asawa sa hospital sa loob ng isang buwan habang iniisip ang mga pangangailangan ng mga anak namin na naiwan sa aming tahanan.
Habang nasa hospital ako noon, iniiwan ako ng asawa ko sa bantay ng katabing pasyente para makauwi ng alas syete (7:00 A.M) ng umaga at minsan pinapalitan sya ng aking anak na si John Sandro (paminsan-minsang uma-absent para mabantayan ako at mapalitang ang kanilang ina. Pag-uwi ng asawa ko ay magluluto sya ng mga kakanin para may maibenta at may kikitain at panggastos sa aming pang-araw-araw habang ako’y nasa hospital.
Naglalako siya ng mga kakanin at tumatanggap ng labahin pandagdag kita. Pagkatapos maglako at maglaba, dali-dali din siyang bumabalik agad sa hospital para palitan si John Sandro at para makahabol pa s
a kanyang mga klase. Ginawa lahat ng asawa ko kahit sobrang abala siya dahil naiisip pa niya ang parating na naman ang exam ng anak niyang nasa Cebu at kailangan ng panggastos.
Hindi niya inalintala ang pagod at puyat sa mga panahong iyon, ang laki ng sakripisyo niya upang matustusan ang aming pang-araw-araw na gastusin noon. Dahil na rin sa patuloy na pagdarasal ng aming pamilya ay nanatiling kaming matatag at tuluyan nga akong gumaling.
SIBOL NG PAGBABAGO
Isang araw, ang aking asawa ay nagpa-alam na pinapatawag siya sa isang assembliya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil daw nakasama ang aming pamilya sa bagong batch ng 4Ps. Laking tuwa naming mag-asawa ng araw na iyon, iyong malabong kung pangarap na mapagtapos ng pag-aaral ang aking mga anak ay parang nabigyan ng pag-asa. Naging bahagi kami ng 4Ps taong 2012.
Malaking tulong sa aming pamilya ang programa. Ang cash grants na tinatanggap ng aking asawa ay inilalaan namin sa pag-aaral ng anak namin sa kolehiyo, dahil ang gastusin ng mga batang nasa elementarya at high school ay matustusan lang din naman ng aking kita sa araw-araw. Malaking tulong ang pera sa matrikula at proyekto ng aming mga anak na nag-aa
ral.
Bago dumating ang 4Ps ako ay nagdalawang-isip kung kakayanin ko bang pag-aralin sa kolehiyo ang aking mga anak. Kaya nung kami ay naging kasapi sa programa, sinisigurado naming lahat nang cash grant na matatanggap namin ay magagamit para sa pag-aaral ng aming mga anak.
Makakayanan na rin ng aking asawa na bumili ng vitamins, nakapagpatayo kami ng palikuran (CR) sa tulong ng 4Ps at mayroon kaming sariwang gulay mula sa aming garden. May mga importanteng aral din akong natutunan sa 4Ps sa regular na pagsali sa Family Development Sessions (FDS), gaya ng pagiging responsableng ama, at mga karapatan ng isang bata. Naging mas responsible kaming mag-asawa sa pagtaguyod ng pamilya at pag-gamit ng cash grants. Tiniyak ko sa sarili ko na iwasan ang pagsusugal at ibang bisyo dahil maliban sa maging sanhi ito na aming pagkatanggal sa program, naisip ko din na mas magiging magandang modelo ako sa aking mga anak at sa komunidad.
Aktibong tumutulong rin kaming magpamilya sa ibat-ibang aktibidad sa aming barangay lalo na ang mga 4Ps na gaya namin ay laging boluntaryong nangunguna dito. Wala man kaming kakayahan na bayaran ang lahat ng tulong na ibinigay ng gobyerno sa amin pero sa pamamagitang ng pagtulong sa kapwa at komunidad ay sapat na yon para maibalik namin kahit papano ang mga biyaya at ibat-bang serbisyo na natamo namin dahil sa programa.
Isa rin sa mga mahalagang natutunan ko sa FDS ay mabigyan ng matiwasay na tirahan ang aking pamilya kaya ang bahay na aming naipundar ay hanggang kailanman maging alaala ng programa sa akin. Dahil alam kong may cash grants na matatanggap ang aking asawa na iniipon niya para ilaan sa pag-aaral ng aming mga anak, ang aking sahod o kita sa pagiging laborer sa fishport ay iniipon ko at binibili ng materyales pampagawa ng aming bahay. Sinikap ko na matapos ang aming bahay para mabigyan ng ligtas at may dangal ang aming pamilya.
Nakapagpakabit din kami
ng kuryente mula sa mga savings namin lalo na sa pagkain dahil nga may munting vegetable garden kami sa bahay at mga alagang hayop na pinagkukunan ng pang araw-araw na ulam.
Malaking pasasalamat ko sa Panginoon sa paggabay sa aming pamilya ma malampasan ang bawat pagsupok na naranasan namin. Kalimitan ng aming problema ay kakulangan sa pera o panustos sa
pag-aaral ng aking anak sa kolehiyo, pinag-uusapan namin itong buong pamilya at pinag-dedisisyunan kung paano namin mabibigyan ng solusyon. Kung pera ang problema, ang asawa ko ang naghahanap ng mauutangan at ako naman ang hahanap ng paraan para mabayaran ito. Nagkasabay ang aking mga anak sa kolehiyo, ng panahong iyon lahat na mapagkakakitaan ay pinapatos naming mag-asawa.
Ang aking asawa ay naglalako ng mga kakanin at tumatanggap ng labahan. Kumikita siya ng P800 sa isang buwan. Pinagpala kami ng Panginoon ng matatalino at responsableng mga anak, kaya sabihan man ako ng iba na napaka-ambisyoso kong magpa-aral ng anak ng sabay sa kursong Marine Engineering hindi ako nag paapekto dahil malaki ang tiwala ko sa kanila. Determinado akong gawing araw ang gabi maitaguyod ko lang ang kanilang pag-aaral dahil tanging iyon lamang ang aming maipapamana sa kanila balang-araw. Gusto kong mabuhay sila ng masagana at hindi na nila maranasan ulit ang hirap na dinanas nila sa kanilang paglaki.
Dahil sa hirap ng pagtaguyod ng kanilang gastusin, ang aming ika-tatlo na anak na si Maria Riza ay nakapag desisyon muna na magtrabaho bilang factory worker sa Cebu pagka-graduate niya sa sa Senior High School. Dahil sa opportunidad, nagpaubayang tumigil muna siya sa pag-aaral para makapagtrabaho at makatulong sa pag-aaral ng kanyang dalawang nakakatandang kapatid. Siya ngayon ay isang account officer ng microfinance company na ASA Philippines. Malaki ang naging tulong niyang pinansyal para mapag-aral ang kaniyang mga kapatid.
Ang aming panganay na si Cristobal ay naging scholar rin ng The Sisters of Mary School-Boystown, Inc. sa Cebu nang siya ay nag-high school. Pagkapagtapos ng high school, natanggap siya bilang scholar sa University of Cebu-Lapu-lapu sa Mandaue Campus sa kursong Marine Engineering at nagtapos bilang cum laude.
ANI NG TAGUMPAY
Alam kong hindi kami nagkulang na mag-asawa sa pagpapalaki ng aming mga anak, maliban sa istraktura ng bahay, nabigyan namin sila ng tahanan na mapagkalinga, nagtutulungan, nag-uunawaan, nagbibigayan at mapag-unawa.
Sa ngayon si Cristobal ay naka- sampa na sa barko sa ilalim ng BW Shipping Phils Inc. bilang 3rd Engineer at kasalukuyang nasa Brazil ang kanilang rota. Ang pangalawa naming anak na si John Sandro a
y napabilang sa Sanghaya Class ng Philippine Coast Guard taong 2020 at kasalukuyang nakabase sa Manila. Ang ika-apat na anak si Jason ay kasalukuyang nag–aaral sa Kursong B.S. Criminology habang ang tatlo pa naming mga anak ay nasa elementary at Kinder.
Sa ngayon ang aking anak na si Cristobal ay nagpapagawa ng pumpboat at pinatayuan niya ng sari-sari store ang kanyang ina para may pagkakakitaan sa pang araw-araw. Binigyan niya rin ng welding machine ang kanyang kapatid na si Jason dahil nakapag-training ito sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW).
Lubos akong nagpapasalamat sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil dito, natuto akong mangarap. Malaking ang tulong ng programa kung ano man may meron kami ngayon. Alam namin na hindi habang buhay na sa programa kami kaya kung kailangan na boluntaryong mag-waive ang pamilya ay gagawin namin para sa ganoon ay may iba namang pamilya na matutulungan ang programa at maisakatapuran ang kanilang mga pangarap.
Noon, ang aming pamilya ay nangangarap lamang na mapag-aral at mapag-tapos ang aming mga anak pero ngayon unti-unting nagkakatotoo na ang lahat. Para sa ang amin, ang pamilya namin ay isang patunay na walang imposible sa pamilyang mahirap kung lahat ay nagsisikap at nagtutulong-tulungang makamit ang lahat na mga ito.
Mahirap lang din kami pero kami ay nangarap, nagpursige, nagtiis, nagsakripisyo at nagtagumpay. Walang imposible, maging ambisyoso ka man sa buhay kung iyon ay para sa ikabubuti at ikauunlad ng iyong pamilya, huwag mawalan ng pag-asa.//