Testimonya ni Melgie Jeroso
4Ps Parent Leader
Ivisan, Capiz
In life we often try so hard to get what we want and need, but there could be times when we no longer have to do something to get it. It is not about chasing, it’s about living. All our life, we are chasing things oblivious to the fact that it’s the journey which makes life interesting rather than the destination.
Here is the story of my journey so far in this mystical phenomenon called Life. I am Melgie Jeroso, 49 years old, a 4Ps beneficiary for seven years from Brgy. Sta. Cruz, Ivisan, Capiz.
Bago pa man dumating ang Pantawid sa amin, ako ay isang kakanin vendor. May apat na anak, dalawang babae at dalawang lalake. Gumigising kaming mag-asawa nang alas tres ng umaga para gumawa ng baye-baye, ang aming mga anak naman ay ginigising ko nang alas kwatro upang tumulong bago pa man sila pumasok sa paaralan.
Ang asawa ko noon ay isa ring pedicab driver. Pagkatapos naming gumawa ng baye-baye diretso na siya sa pagbiyahe ng pedicab at ako naman sa pagbebenta ng baye-baye sa palengke o di kaya sa paaralan.
Bilang isang magulang ang tanging pangarap lang naman namin ay ang mapagtapos ng pag-aaral ang aming apat na anak at makitang maayos ang kanilang buhay ay sapat na sa amin. At dahil nag-aaral silang apat at wala naman kaming ipon, naisipan kong kumuha ng sakaan na 5/6 sa halagang P1,000 pesos, araw-araw 40 pesos ang binabayad ko, buwan-buwan iniipon ko ang P1,000 pesos sa rural bank hanggang sa lumaki ito at sapat na sa pag-aaral ng aming mga anak. Sobrang saya ko noon dahil ang nasa isip ko meron na akong mapagkukunan ng mga pangangailangan ng aking mga anak.
Isang araw inalok sa akin ang pwesto ng bigasan, ayaw ko talaga dahil ang nasa isip ko wala naman akong puhunan para diyan. Isa pa, wala naman akong alam sa pagtitinda ng bigas, pero pinipilit pa rin sa akin. Kinausap ko ang asawa ko tungkol dito, at ang tanging sagot niya lang ay ako daw ang bahala, nag-isip ako ng matagal kung ano ang ititinda ko doon dahil sapat lamang ang ipon ko upang ibayad sa puwesto. Doon, naisipan kong humingi ng advice sa isang kaibigan, sinabi ko lahat ng concerns ko kapag binili ko ang puwesto, ngunit ang tanging sagot nya ay bakit hindi ko daw subukan. At doon na nga nagsimula, sinubukan ko magbenta ng paisa-isang sako ng bigas at sa awa ng Diyos ay nairaos ko ito. Natatandaan ko pa ang 800 pesos na pinakauna kong naging benta noong araw na iyon.
Simula noon, little by little ay guminhawa na ang aming pamumuhay, nakapagpatayo na rin kami ng bahay na noo’y isang kubo lamang. Syempre hindi pa rin namin tinigil ang paggawa ng baye-baye dahil kagaya nga ng sabi nila, “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.”
Natatandaan ko pa noong ang Brgy. Captain namin ay lumapit sa akin at sinabing pumunta daw ako sa barangay dahil ang swerte ko daw, tinanong ko siya kung para sa ano at yun lamang ang sagot niya. Kinabukasan pagdating ko sa barangay, doon ko nakita at nakilala sila Ma’am Nory at ang iba pa niyang kasamahan, doon sinabi sa amin na lahat kami na nandoon ay kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno. Ipinaliwanag sa amin ang detalye ng programang ito at sa oras na iyon para pumili ng leader sa bawat grupo ako ang pinili nila.
Noong una, ay ayaw ko talaga sapagkat wala naman akong kilala ni isa sa aking mga kasamahan at sa mga tao doon, tanging si Kapitan lamang ang kilala ko sa mga panahong iyon. Pero dahil gusto nila ay pumayag na lang ako. Napakalaki ng naitulong ng Pantawid sa pagbabago ng aming buhay, dumami ang mga kaibigan ko at kakilala. Naging aktibo rin ako sa mga aktibidad ng barangay at ng komunidad. Pero ang pinakamalaking tagumpay para sa akin ay ang buong pamilya kaming magkasalo sa mga biyaya na dumadating sa aming buhay maliit man o malaki. Naniniwala kasi ako na kapag ang isang pamilya ay nagtutulungan walang imposible.
Sa ngayon dalawa na ang napagtapos namin na anak isang Accounting Technician na sa ngayon ay nagtatrabaho bilang isang Treasurer sa isang pribadong kumpanya. Ang ikalawa naman ay naging scholar ng ESGP-PA. Sa tulong ni Sir Aren ay napabilang siya sa mga masuwerteng studyante na nabigyan nang pagkakataon na makapag-aral ng libre sa kursong kanyang ninanais.
She studied her Bachelor’s Degree in Education major in English at Capiz State University and graduated last 2018. He passed the Licensure Examination on the same year. Sa ngayon, ay nagpapa ranking siya upang maging isang ganap na guro, at makakatulong na rin sa paghahanapbuhay.
Alam ko na bawat tao o pamilya ay may iba’t-ibang pagsubok na hinaharap sa buhay, pero hindi iyon rason upang hindi pagbutihin at seryosohin ang pag-asang mapabuti ang pamumuhay, basta’t laging ilapit sa Diyos ang bawat problema na kinakaharap.
Sa gabay ng Diyos ay nadagdagan pa ang aming negosyo. Noon, kakanin lamang hanggang naging bigasan, at gulayan. Ngayon ito ay naging mini grocery store na. With God’s faith, masasabi kong nakaahon na talaga kami sa kahirapan na noon ay pinapangarap lang namin. At sa tulong din ng 4Ps na hanggang ngayon ay nagiging instrumento ng aming pamilya upang mas pagbutihin pa ang pamumuhay na aming hinaharap sa ngayon .
Kahit papaano sa awa ng Diyos ay nakapag pundar na rin kami nang aming pangkabuhayan, nagkaroon na rin kami ng tricycle na ginagamit sa pang araw-araw. Nakapunta na rin ako sa iba’t-ibang lugar sa tulong ng 4Ps, marami na rin akong natutunan na minsan ay nai-aapply ko din sa aming kabuhayan. Naging miyembro din ako ng iba’t-ibang asosasyon ng Pantawid kagaya ng naging Treasurer ako sa kabuuan nang Pantawid ng Ivisan, consistent Parent Leader ng barangay at naging signatory din nang Civil Society Organization.
Ang tanging maipapayo ko lang sa mga kapwa ko Pantawid, huwag gawing dahilan ang kahirapan upang hindi magtagumpay sa buhay. Because success usually comes to those who are too busy to be looking for it. Just like the old saying goes, pag may tiyaga may nilaga. Wag iasa sa iba ang pag-unlad, make yourself productive in every way. Walang tutulong sayo na umasenso maliban sa sarili mo.//Capiz POO