“Salamat sa SLP sa malaking tulong sa aming taga bundok. Nabigyan kami ng oportunidad na magkaroon ng mapagkakakitaan at nakakapagbigay din ng trabaho sa mga myembro” – Nelly F. Casiple, President – CALIVA
Ang Cahigon Livelihood Association o CALIVA ay isang asosasyong pinondohan ng DSWD Sustainable Livelihood Program noong taong 2019. Ang asosasyon ay may 30 na myembro at ang kanilang bakery ay matatagpuan sa Brgy. Cahigon, Calinog, Iloilo na isang malayong barangay sa bulubunduking bahagi ng bayan.
Noong panahon ng community quarantine ay namigay sila ng tinapay sa mga frontliners sa checkpoint areas. Ayon kay Nelly, ito ay isang paraan ng kanilang pasasalamat sa malaking tulong na binigay sa kanila ng gobyerno.
“Nagsusumikap kami upang lalong lumago ang negosyo namin para umasenso lalo na ang aming asosasyon at mga myembro”, sabi ni Nelly.
Nakakapag deliver sila ng mahigit kumulang 2,000 packs ng tinapay bawat araw sa iba’t ibang sari-sari stores at restaurant sa kanilang bayan at karatig bayan. Nito lang Hunyo ay namigay ng dibidendo ang asosasyon sa kanyang mga myembro.
“Mula sa PagSibol, Hanggang sa PagSulong”