NAIS NAMING IPABATID SA MGA MIYEMBRO NG 4Ps HOUSEHOLDS NA NAGKAROON NA NG SARILING PAMILYA NA MAAARI LAMANG MAISAMA SA ADDITIONAL FAMILIES BATAY SA MEMORANDUM CIRCULAR 14, SERIES OF 2002 ANG MGA SUMUSUNOD:

NAKA-TAG NA “MOVED OUT” SA PANTAWID PAMILYA INFORMATION SYSTEM BAGO PA MAN ANG JANUARY 15, 2020;
ANG PAMILYA NG MIYEMBRO AY HINDI NAKA-ENROLL BILANG 4Ps HOUSEHOLD;
ANG MIYEMBRO AY MAYROON NG KANYANG SARILING PAMILYA AT NAKATIRA SA IBANG TAHANAN;
ANG MIYEMBRO AY HINDI NA TUMATANGGAP NG GRANT MULA SA PANTAWID PAMILYA HOUSEHOLD KUNG SAAN SIYA DATING KABILANG;
ANG KANYANG SARILING PAMILYA AY LOW INCOME (WALANG SOURCE OF INCOME O SAVINGS).

AMING BINIBIGYANG DIIN NA HINDI AWTOMATIKO ANG PAGSAMA SA KANILA SA LISTAHAN NG ADDITIONAL FAMILIES DAHIL SILA AY SASAILALIM PA SA ASSESSMENT NG LOCAL GOVERNMENT UNIT .

KALAKIP NITO ANG PAGSASAALANG-ALANG NA KAILANGANG WALA SA KANILANG MIYEMBRO ANG NASA LIST OF EXCLUSIONS BASE SA MEMORANDUM CIRCULAR 09 (OMNIBUS GUIDELINES FOR EMERGENCY SUBSIDY PROGRAM THROUGH SOCIAL AMELIORATION AS CLARIFIED BY MEMORANDUM CIRCULAR 14 SERIES OF 2020):

S I N O – S I N O A N G H I N D I M A A A R I N G T U M A N G G A P N G S A P ?
1. ANG PAMILYA NA MAY ISANG MIYEMBRO NA ELECTED AT APPOINTED GOVERNMENT OFFICIAL, PERMANENT, CONTRACTUAL, CASUAL, COTERMINOUS O MGA EMPLEYADO NA KINONTRATA SA PAMAMAGITAN NG MEMORANDUM OF AGREEMENT, COST OF SERVICE, JOB ORDER AT MGA KAPAREHONG ARRANGEMENT SA NATIONAL GOVERNMENT AGENCIES (NGAs), GOVERNMENT OWNED AND CONTROLLED CORPORATIONS (GOCCs), LOCAL GOVERNMENT UNITS AT GOVERNMENT OWNED CORPORATIONS NA MAY ORIHINAL NA CHARTER. (ANG PAMILYA NG MGA MANGGAGAWANG TUMATANGGAP NG MAS MABABA SA P6,000 NA HONORARIUM AY MAAARING MAGPA-ASSESS).
2. ANG PAMILYA NA MAY ISANG MIYEMBRO NA EMPLEYADO SA PRIBADONG SECTOR O NASA FORMAL ECONOMY, KASAMA ANG MGA EMPLEYADO NG GOVERNMENT OWNED AND CONTROLLED CORPORATIONS (GOCCs) NA WALANG ORIHINAL NA CHARTER, MAYROON O WALA MANG EMPLOYER-EMPLOYEE RELATIONSHIP AT TUMATANGGAP MAN NG SAHOD O HINDI.
3. ANG PAMILYA NA MAY RETIRADONG MIYEMBRO NA TUMATANGGAP NG PENSION NA HIGIT SA P6,000 (ANG PAMILYA NA MAY PENSIONER NA TUMATANGGAP NG MAS MABABA SA P6,000 NA PENSION AY MAAARING MAGPA-ASSESS).
4. MGA PAMILYANG MAYROONG KAKAYAHANG SUPORTAHAN ANG PANGANGAILANGANG PINANSYAL NG KANILANG PAMILYA.

SA KASALUKUYAN, SINISIKAP NG DSWD NA MAPABILIS ANG PROSESO NG SAP CASH GRANT PARA SA SECOND TRANCHE PAYOUT SA MGA ADDITIONAL FAMILIES.

ANTABAYANAN LAMANG ANG AMING MGA PANAWAGAN.

#DSWDMayMalasakit
#KasamaSaPagbangonNgPamilyangPilipino