Lahat tayo ay may kanya-kanyang karanasan sa buhay. Minsan nga gusto na nating sumuko dahil wala tayong makakapitan at dahil rin wala na tayong pag-asa. Pero sa huli na lang natin malalman na may pag-asa pa pala tayo para mag-bago,dahil may taong nagparamdam na importante tayo sa mundo.
Ngayon ikwekwento ko kung sino ako at paano ako nabago sa tulong ng DSWD…..
Magandang araw po ako si Shiela, labing anim na taong gulang. Ako po ay nakatira ngayon sa DSWD Home For Girls. Noong nakaraang taon lang po ako nakapasok sa Center na ito, mga buwan ng Sityembre taong 2014.
Bago po ako nakapasok sa Center na ito marami po akong mga naranasan noong nandoon pa lang ako sa amin sa Concepcion, Iloilo. Dati po ay masaya akong namumuhay kasama ang aking pamilya. Palagi po kaming nag-uusap ng nakawiwiling kwento,nagkukulitan at patuloy na nagmamahalan at nagtutulungan sa panahon na nangangailangan kami.
Parang masasabi ko nga pong kami ang pamilya na walang problema. Ngunit isang araw nangyari sa akin ang pinakapangit na pangyayari sa buong buhay ko na minsan ko lang naranasan. Ako po ay inabuso ng aking tatay,sinubukan ko pong lumaban ngunit hindi ko siya nakayanan. Dahil na rin po sa pananakot niyang papatayin niya ang nanay at mga kuya ko.
Wala po akong nagawa, pero sinubukan ko pong magsumbong :kay nanay,sa mga kuya ko,sa tita at tito ko, pati sa mga kaibigan ko nagsumbong ako pero masakit po dahil wala man lang mayroong naniwala sa akin kahit isa man lang.
Dahil po sa pangyayaring ito nag-umpisa na akong magrebelde sa aking pamilya, sinubukan ko po lahat-lahat ng bisyo: paninigarilyo, pag-inom ng alak,pagliban sa klase at pagsunod sa aking barkada. Ito po ang naging resulta ng pang-aabuso sa akin ni tatay.
Sa panahon rin pong ito iba na ang tingin ko sa aking sarili. Pakiramdam ko sobrang rumi ko, wala na akong kwenta, wala na akong pag-asa, nawala na rin ang tiwala ko sa aking sarili at nawala na rin ang tiwala ko sa Diyos.
Takot po akong umuwi sa amin dahil alam kong patuloy akong aabusuhin ng tatay ko gabi-gabi. Kaya po kung minsan gabi na akong umuuwi at kung minsan hindi na nga ako umuuwi, doon na lang po ako natutulog sa bahay ng barkada ko.
Umabot po ng apat na taon ang pang-aabusa sa akin ni tatay, pero hindi ko na po kinaya ang pang-aabuso sa akin ni tatay, kaya sinubukan ko po ulit magsumbong. Sa pagkakataon pong ito sa aking guro sa Filipino ako nag sumbong at salamat dahil naniwala siya sa akin.
Tinulungan niya po akong magreport sa pulis kasama na rin ang iba ko pang guro. Tinulungan naman po ako ng mga pulis para magreport sa Women Desk. At doon po isinalaysay ko po ang buong nangyari sa akin.
Ang hirap po pala pag wala kang makakapitan na kamag-anak, pero salamat po sa aking guro dahil tinawagan niya si Tita Liza na nakatira sa Iloilo City at sinabi ang nangyari sa akin.
Noong nalaman na po ni Tita ang nangayari sa akin tinulungan niya po akong magsampa ng kaso. At dito po nag umpisa ang labanan sa pagitan ko at ng tatay ko.
Pero masakit rin pong malaman na kesa umamin si tatay sa ginawang niyang kasalanan sa akin tumakas ito at lumayo ng walong buwan ,hindi man lang nagpakita sa kanila nanay. Mahirap po pero kinaya ko.
Ilang linggo po ang sumapit at nagdesisyion ang aking Social Worker na ipasok na lang muna ako sa isang center ng DSWD.
Naging pag-asa ko ang DSWD dahil binago nila ako. Nabago po ako ng DSWD sa pamamagitan ng mga programa at serbisyo na inihanda nila para sa mga kabataan na inaabuso na katulad ko.
Ang mga programa at serbisyo po na inihanda nila ay sobrang nakaktulong po sa amin para makalimutan ang mga masasamang nangyari sa amin. Katulad na lang po ng mga programa at serbisyo nila ay ang gift giving, summer outing, film showing, dental cleaning, linis tenga program, group work session, family meal, nutrition month, children’s month celebration, swimming, Christmas party, family day at marami pang iba.
Dahil po sa programang ito unti-unti ko ng nakalimutan ang sinapit ko kay tatay. Unti-unti rin pong lumawak ulit ang isip ko. Natutunan ko pong may pag-asa pa po ako para magbago, may importansiya pa ako sa mundo, nagbalik na po ulit ang tiwala ko sa sarili ko at higit sa lahat ang tiwala ko po sa Diyos.
Ang DSWD po ang nagpaintindi sa amin na ang problema ay pawang pagsubok lamang at hindi iyan ibibigay ng Diyos kung alam niyang hindi mo kaya. Sabi rin po ng staff ng DSWD kung hindi mo na kaya ang problema mo humingi ka lang ng tulong sa Diyos at tutulungan ka niya.
Kaya nga po nagpapasalamat ako sa DSWD dahil kung hindi po dahil sa kanila hindi po ako magiging matatag ngayon at kung hindi po dahil sa kanila hindi ko rin po malalaman ang mga naging kasalan ko.
Nagpapasalamat rin po ako sa DSWD dahil pinaramdam nila sa amin ang pagmamahal at ang pagiging importante sa mundo. kaya nga po naging inspirasiyon ko na rin ang DSWD at gusto ko na rin maging isang Social Worker para matulungan ko rin ang mga kabataang nakakaranas ngayon ng pang-aabuso.
Kaya sa mga kabataang nakaranas ng pang-aabuso ngunit takot magsumbong, tanggalin na ang inyong kaba at magsumbong ng maaga. Siguradong tutulungan nila kayo.
Maraming salamat po sa pagbasa!
By Shiela, Home for Girls Iloilo