Dalawang magkakapatid na 4Ps nagtapos bilang Cum Laude
Isinulat ni Christian T. Lapinosa
Benepisyaryo ng 4Ps
ISABELA, Negros Occidental – Nagmulat ang mga mata sa dukhang tahanan. Mga magulang tubuhan ang pinagkukunang-yaman. Yaman na kung saan ang makakain ng tatlong beses ay isang kaligayahan para sa aming mga dukha na ang kaunting kabuhayan na siyang nagsisilbing pampasiklab ng aming pakikipagsapalaran.
Lumaki kami sa isang payak na pamilya. Siyam kaming magkakapatid. Ang aming mga magulang ang tanging inspirasyon na naging daan kung saan kami sa kasalukuyan. Mga magulang na nagpamulat sa amin na ang buhay ay may kahalagahan.
Kung aking balikan ang aking kamusmusan, mamasdan ko kung gaano kumayod at naghirap ang aming mga magulang. Nakita ko ang mga pagtitiis nila para mabuhay kami kahit sa hirap ng pamamaraan. Minsan, may mga araw na nadadatnan ko ang aming ama na minsa’y tulala, ang aking ina’y nanghihina dahil sa mga problema.
Bata paman ako noon pero nauunawaan ko ang pahiwatig ng mga kalagayang na iyon.
Sa edad na siyam na taon, nakiisa na ako sa paghahanapbuhay kasama ang buong pamilya. Hindi naging mahirap sa akin na simulan ang buhay ko sa pagtatrabaho sa tubuhan lalo na’t napagtanto kong, “Hindi kami mayaman.” Nagsisimula na kasi kami ng mga kapatid ko sa pag-aaral. Sa pag-aaral ko sa elementarya, hindi lang iisa ang aking mga natututunan. Masaya akong nakapagtapos ng elementary at napabilang sa with honors. Dahil dito napasaya ko ang aking pamilya lalo na ang aking mga magulang. Nang ako ay nasa secondarya na pinab-igihan ko parin ang aking pag-aaral. Nakagpagtapos ako na napabilang pa rin sa with honors. Batid ko sa aking kalooban na hindi ko lang ito tagumpay ngunit tagumpay rin ng aking pamilya.
Kumuha ako ng kursong Bachelor of Science in Criminology sa Carlos Hilado Memorial State University- Binalbagan Campus. Pinag-igihan ko pa lalo ang aking pag-araral at nakapagtapos ako ng Cum Laude. Ngayon, pinaglalaanan ko ng panahon ang pag-rereview sa aming Board Exam.
Lubos ang aking kagalakan at malaki ang aking pasasalamat na akoy ay nakapagpatos bilang isang Cum Laude. Dalawa kami sa aming pamilya ang nakapagtapos ng kolehiyo bilang Cum Laude. Malaking karalangan para sa aming mga magulang na sa kabila ng aming kahirapan kami ay nagtagumpay sa aming pag-aaral.
Sa mga natanggap at mga napagtagumpayan ko sa buhay, gusto kong magpasalamat ang 4Ps at DSWD na natulungan ako at ng pamilya ko. Isa ito sa mga bagay na nakatulong sa aking pamilya para makapagpatuloy sa aming pag-aaral. Matustusan ang mga pangangailang sa mga panahong wala kaming may makukuhaan.
Maraming salamat sa walang katapusang tulong hindi lamang sa aking pamilya kundi sa mga pamilyang naging parte ng programang ito. Isang ikinalulugod at pinapasalamatan ng pangkalahatan.
Lahat ng bagay may mga dahilan. Lahat ng bagay may hangganan. Sa bawat pag-apak ng aking mga paa dala-dala ko ang karanasang nagbago ng aking pagkatao.
“It’s time to make another chapter!”. Anuman ang sitwasyon may mga biyaya parin ang Diyos na walang kapantay na binabahagi sa atin. Kaya’t ako ikinagagalak kong parte kami ng programang 4Ps na nakatulong para mapagtapos namin ang aming pag-aaral.
At sa bahaging ito gusto kong maiparating sa lahat na, “Kung mahirap ang mag-aral mas mahirap ang walang pinag-aralan!” at syempre walang mahirap sa taong nagsusumikap. (Submitted by Municipal Link, Ramon G. Almomento of Isabela MOO, Negros Occidental POO2)