Mga ahensya ng gobyero katuwang tungo sa kaunlaran ng mga katutubong IPs
LIBACAO, Aklan – Ang pakikipagsosyo sa ibat-ibang National Government Agency ay isa sa mga mahalagang salik para mapagtagumpayan ang implementasyon ng ibat-ibang programa ng gobyerno lalo na ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Isa sa mga ahensya na tumutulong sa 4Ps lalo na sa pagpapaunlad ng mga katutubong benepisyaryo ay ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP). Ang NCIP ay matagal ng katuwang ng DSWD na tumutulong sa pagpapaunlad ng mga IPs lalo na ang mga benepisyaryo ng 4Ps sa ilalim ng Modified Conditional Cash Transfer (MCCT), komunidad, at ng programa.
Ayon kay Dra. Mary Con Evangelista, Dentist II ng NCIP Region 6/7, sa mga benepisyaro ng 4Ps, ang NCIP ay nagiging katuwang sa pagpaplano at implementasyon ng mga patakaran, plano, at programa para sa kapakanan ng mga katutubong mamamayan. Ipinatutupad ng NCIP ang mga hakbang na may kinalaman sa kanilang ancestral domains, self-governance, social justice, human rights, at cultural integrity.
“Ang NCIP ay nagbibigay-diin sa pagpapalakas ng partisipasyon at pamumuno ng mga katutubo sa mga usaping pangkapayapaan, kaunlaran, at pangangalaga sa kalikasan,” ang sabi ni Dra. Evangelista.
Sa aspetong komunidad naman, ang sabi ni Dra. Evangelista na bilang tagapagtataguyod, nagbibigay ng suporta ang NCIP sa pagsusulong ng pagkakaisa at kooperasyon ng lahat tungo sa pagpapaunlad ng kalagayan at pamumuhay ng mga katutubo at ng kanilang komunidad . Ang NCIP ay naglalatag ng mga hakbang upang mapanatili ang karapatan ng mga katutubong mamamayan sa buong rehiyon at buong Pilipinas upang mapangalagaan ang kanilang kultura at tradisyon.
Sabi pa ni Dra. Evangelista, ang NCIP ay katuwang palagi ng DSWD lalo na sa implementasyon ng 4Ps. Ayon sa kanyan, ang NCIP ay nakikipagtulungan sa DSWD upang matiyak na ang mga katutubo ay makakabahagi sa 4Ps. Ito ay may layuning mapababa ang kahirapan at mapabuti ang kalagayan ng mga pamilyang benepisyaryo. Sa pamamagitan ng koordinasyon at pakikipagtulungan, nais ng NCIP na masiguro na ang mga katutubo ay makakakuha ng tamang suporta at benepisyo mula sa 4Ps.
“Sa ganitong paraan, ang NCIP ay naglalaan ng mga hakbang upang mapabuti ang kalagayan ng mga katutubo, kanilang komunidad, at ang partisipasyon nila sa mga programa gaya ng 4Ps upang mapanatili ang kanilang karapatan at kaunlaran,” dagdag ni Dra. Evangelista.
IPs CARAVAN
Sa nakaraang linggo, ang DSWD Field Office VI na pinangungunahan ng 4Ps Division lalo na ng IPs Focal Person Maylyn Devera at ng Social Marketing Section (SMS) kasama ang local na pamahalaan ng Libacao sa Aklan at iba pang mga ahensya ng gobyerno ay nagsagawa ng isang “IPs Information of Services Caravan cum Medical, Dental and Feeding Program” sa pagdiwang ng Buwan ng Indigenous Peoples (IPs).
Mga 200 na IPs mula sa Brgy. Rosal at kalapit na mga barangay ng nasabing bayan ang naka-avail ng ibat-ibang libreng serbisyo tulad ng pagsusuri medical, dental, haircut, tuli, libreng gamot, pakain, laruan, at PhilSys Identification.
Ang caravan ay naging makabuluhan sa tulong ng mga sumusunod:
*Akeanon Bukidnon Community – IPs Tribal Leader Dennis Kiling
*Rosal Barangay Captain James Ignacio
*Aklan POO and Libacao 4Ps Team
*Libacao LGU led by Mayor Charito Navarosa, Vice Mayor Vincent Navarosa, MSWDO Raul Nillasca, Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) Gladys Dorothy Colas, PNP PCapt. Roel Berena, Municipal Health Office and Municipal Registrar Office
*NCIP-6 – Dra. Evangelista, Guillermo Ambid III, Nurse II; Kristine Ann Blasa, Midwife II; and Aldrin Dalisay, Nurse II
*TESDA – Supervising Technical Education and Skills Development Specialist, Mark Anthony Dolinog
*PHIC – Aimy Joy Desaporado of Aklan
*PSA – Johndel Olid
* West Visayas State University (WVSU) medical team
*SM City Foundation
Maraming Salamat po sa patuloy na pagsuporta sa programa. ( MGC/Photos credit to Angeline Acantilado, WVSU OJT)