Paaralan sa Antique nagbibigay ng libreng Civil Service Review para sa mga empleyado ng 4Ps
SAN JOSE, Antique – Ako po si Gerry L. Ventura, Chairman ng School Governing Council at Chairman ng School Discipline ng Antique National School (ANS) sa bayan na ito.
Nagsimula ang aking pakikipagtulungan sa 4Ps noong July 2023 nang simulan ang pagbubukas ng “Free Review Class” para sa lahat lalong-lalo na ng manggagawang 4Ps na nasa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VI na gustong kumuha ng Civil Service Exam-Pen and Paper Test (CSE-PPT).
Bagamat alam natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Second Level Eligibility, lalo na sa mga manggagawa na nagtatrabaho sa ahensya ng gobyerno, nagagalak kami na ang aming organisasyon ang nilapitan ng programa upang ito ay mapatupad. Ang papel ko po dito ay nakipag-usap sa pamunuan ng ANS para buksan ang programang libreng review class gamit ang facilities ng paaralan at naghanap din kami ng volunteer teachers para mag-review sa English at Mathematics na subjects.
Sa aming pakikipag-ugnayan sa 4Ps, ang aming organisasyon ay naging daan sa libreng review class tuwing hapon ng Biyernes sa loob ng limang linggo mula July 21 hanggang August 18, 2023, ilang linggo bago ang nasabing eksaminasyon.
Libre ang venue at teachers na nagsagawa ng review class para sa dalawampu na reviewees. Sa kabutihang palad, ang resulta ay nagkaroon ng apat na maggagawa ng 4Ps na nakapasa sa Civil Service Exam. Ang kanilang tagumpay ay tagumpay na rin ng aming organisasyon at kami ay nagpapasalamat at kami ay nakatulong sa kanila.
Alam ko na ang manggagawa ng 4Ps at DSWD ay nagsusumikap na maibigay ang nararapat na serbisyo sa publiko na walang hinihiling na kapalit kundi ang mapaunlad ang pamumuhay ng mga benepisyaryo.
Sa aking pagsusuri, maaring mapaunlad pa ng 4Ps and serbisyo nito para sa mga pamilyang Pilipino, sa aspetong “intensive monitoring” at “improved partnership” ng 4Ps at DepEd para mas lalong mapalakas ang programa. Kami sa Deped sana ay lalong paigtingin ang attendance monitoring ng mga beneficiaries. Sana mabigyan ng atensyon lalo na ang mga batang 4Ps na nangangailangan ng review class sa numeracy at literacy.
Sana din ay madagdagan pa ang mga information campaign na nag po-promote at nagpapakita ng positibong impact ng programa sa mga beneficiaries nito at sa komunidad.