305 sambahayang Negrense nagtapos sa 4Ps
NEGROS OCCIDENTAL – Mga 305 sambahayan mula sa bayan ng Hinigaran at San Enrique sa probinsyang ito ang nagtapos sa 4Ps ngayong araw.
Sa nasabing numero, 236 mula sa bayan ng Hinigaran samantala 69 mula sa San Enrique na pawang Level III ang kalagayan sa buhay.
Si Ruby Jessa Maalat isa sa mag nagtapos ngayong araw, 42, may asawa at apat na anak. Ang panganay na anak ay nagtatrabaho na sa Philippine Coast Guard habang ang pangalawa ay nakagtapos ng kursong Bachelor of Secondary Education major in Social Sciences bilang Cum Laude at kasalukuyang nag-hihintay ng resulta ng kanyang board exam.
Ang pangatlo naman ay isang 1st year college na nag-aaral ng kursong maritime transportation sa Visayan Maritime Academy at ang ika-apat naman ay nasa ikalimang baitang ng elementarya.
“Kaya kahit nagtapos kami sa 4Ps ay masaya pa rin ako kasi malaki na ang naitulong ng programa sa aming pamilya. Alam ko na mas marami pa ang nangangailangan kesa sa amin kaya sila naman ang papalit dahil kaya naman namin ngayon kahit walang tulong mula sa gobyerno,” ang sabi niya.
Kaya siya nagpasalamat sa programa dahil naging magaan ang pamumuhay nila dahil sa regular na pagdalo sa FDS. Ano man ang kanyang nalalalaman, ginagamit niya sa kanyang pang-araw araw na pamumuhay lalo na sa kanyang pamilya.
“Kaya sa kapwa ko magulang naway maging magandang halimbawa ang kwento ng aking buhay sa inyo. Huwag sayangin ang pagkakataon at ang tulong na ibinibinay ng gobyerno sa atin. Ibigay ang pangangailangan ng mga anak. Gamitin sa wasto ang talento na ibinigay ng Panginoon sa atin at maging matigaya,” dagdag ni Ruby.
Sa San Enrique naman, si Angeles Coleta Baron, 58 taong gulang ay nagtapos din sa programa. Ang sabi niya naging malaki din Ang naitulong ng 4Ps sa kanyang pamilya. Noon wala pa sila sa 4Ps hirap din sa pangangailangan ng kanyang mga anak dahil lima ang kanilang anak. Noong naging benepisyaryo na Sila ng 4Ps magaan na para sa kanila Ang buhay. Hindi man sapat pero naibsan naman ang bigat ng kanilang pangangailangan Lalo na sa pinansyal na bagay. Ang kanyang mga anak ay nakagtapos Ng TESDA sa kursong HRS at ngayong ay nasa ibang bansa na.
“Kaya ang masasabi ko sa aking kapwa na wag mawalan ng pag-asa kahit anong hirap man Ang ating danasin. Sa 4Ps at sa mga staff na hindi nagsasawang tumulong sa mga nangangailangan,”
sabi ni Angelita Baron. JA