Pamilyang 4Ps na bulag ang ina nakatanggap ng maraming tulong mula sa mga Good Samaritan
LEON, Iloilo – Marami ang naantig sa kwento ng buhay ng Pamilyag Hachuela lalo na ng mag-asawang Gretchen at Eric ng Sitio Dugo, Brgy. Poblacion ng bayang ito pagkatapos na naipalasbas sa DSWD Facebook page noong Disyembre ng nakaraang taon.
Dahil dito marami ang tumugon sa mga pangangailangan ng buong pamilya kasama na ang pagpapatayo ng kanilang bagong bahay.
Basahin ang kanilang kwento. https://www.facebook.com/dswd06/posts/763586689146500
Nagsimula ito lahat na mag-viral ang kwento ng mag-asawa. Si Gretchen ay nabulag pagkatapos niyang manganak ng kanilang panganay na anak. Ang kaniyang asawa isang kargador sa bagsakan na bilihan ng mga produktong gulay mula sa ipinagmamalaking “Little Baguio” ng Bucari sa bayan ring ito. May tatlong anak ang mag-asawa. Taong 2019 nang isinumiti ang pangalan ng kanilang pamilya para sa balidasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at nitong Abril 2023 ay naisama ang sambahayan sa programa na masinsinang mino- monitor ng ahensiya. Ang tatlong anak nila na nag-aaral sa Special Education (SPED) Center ay kasalukuyang minomonitor ng programa lalo na lahat sila ay may intellectual disability o may kapansanan intelektwal.
Bago pa sila nailipat sa SPED, nasa Leon Central Elementary School (LCES) sila nag-aaral. Dahil sa aktibo ang paaralan sa pagtulong sa implementasyon ng 4Ps lalo na ang kanilang 4Ps Focal Person na si Razel B. Cachero, ay agad nabigyan ng tamang interbensyon ang pamilya lalo sa kanilang mga anak.
Sa pakikinayam kay Ma’am, Cachero, sinabi niya na bilang isang guro sa ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) siya ay lubos na sumusuporta sa 4Ps. Binibigyan ng angkop na edukasyon ang mga benepisyaryo ayon sa kanilang edukasyong pangangailangan. Ang LCES ay may ibat-ibang program katulad ng special program in the arts, star sections, regular class at special education, sa bawat programang ito ay may batang benepisyaryo at lubos na gina gabayan ng mga guro. Ang paaralan ay lubos na nag papahalaga sa bawat mag -aaral hindi lamang sa mga benepisyaryo ng 4Ps dahil layunin ng LCES at Kagawaran ng Edukasyon na maiangat ang kaalaman ng bawat mag-aaral o kabataan na siyang pinaniniwalaang pag-asa ng ating bayan.
Ayon pa kay Ma’am Cachero, nakakatulong ang LCES sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng proyektong “TINOLA” (Teacher’s Initiative to Nourish Oneself to Learn and be Active). Ito ay inobasyon ng paaralan ngayong taon na naka tuon sa lahat ng benepisyaryo ng 4Ps.
“Ito ay isang “feeding program” sa pang araw-araw na pag-aaral ng mga benepisyaryo na nag sisilbing sabaw o ulam ng mga bata tuwing tanghali na ang mga sangkap nito ay mula sa produkto ng 4Ps garden ng paaralan. Sa pamamagitan ng proyekton na eto natutulungan na mapanitili ang mataas na antas ng nutrisyon ng mga kabataang 4Ps sa komunidad at sa paaralan,” dagdag na sabi niya.
Ang sabi pa ni Ma’am Cachero ng dahil sa proyektong TINOLA at mismong mga benepisyaryo ng 4Ps nabibigyan ng pagkakataon ang mga magulang na makapag handa at mapakain ang kanilang mga anak ng masustansiyang pagkain.
“Ito ay sagot sa layunin ng paaralan na maging malakas ang mga benepisyaryo at aktibo sa klase na direktang nakakaapekto sa kondisyon ng 4Ps. Napapalapit rin ang mga magulang sa paaralan at nakasama rin ang kanilang anak sa pananghalian, na isa rin sa kondisyon at pinaglilinang ng programa ukol sa topiko tungkol sa pamilya,” ang pahayag ni Ma’am Cachero.
Bilang guro at 4Ps Focal parte ng Action Plan ng paaralan na e monitor rin ang mga pagbabago na nagaganap sa aspeto ng kalusugan, intelektwal at pamumuhay ng bawat estudyanteng benepisyaryo ng 4Ps. Hangad ng guro na mabigyan pa ng maraming opportunidad ang mga pamilya at magserbing inspirasyon hindi lang sa kapwa benepisyaryo kundi sa halos lahat.
Para sa pamilyang Hachuela, hindi man nabigo ang guro sa kanyang hangad para sa pamilya dahil ito ay unti-unting natupad sa tulong ng local na pamahalaan, at iba pang ahensya at organisasyon na tumugon sa hiling ng pamilya.*