Pribadong sector katuwang ng 4Ps sa kaalamang pananalapi
BALETE, Aklan – Limang put tatlo na dating benepisyaryo ng 4Ps ang dumalo sa kanilang oryentasyon tungkol sa kaalaman sa pananalapi o Financial Literacy na pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Balete.
Isa sa mga naging tagapagsalita nila ay dating reporter ng IBC TV-12 Evelyn C. Josue na ngayon ay retired na at kasalukuyang financial educator ng International Marketing Group (IMG). Si Josue ay inimbitahan ng Balete LGU para magbigay dagdag kaalaman tungkol sa pananalapi. Sabi ni Josue inanyayahan siya na lokal na pamahalaan na magbigay ng kaalaman sa mga nagtapos na sa programang 4Ps at sa mga kababaehang Persons with Disability (PWD).
Ayon sa kanyan, nagsimula ang kanyang pakikipagtulungan sa programang 4Ps bilang kasapi ng media noong una pa ipanatupad ang programa. Isa siya sa mga sumusuporta sa ahensya.
“Ang pagpapa-abot sa taumbayan ng mga tamang impormasyon at mga adhikain nito ay nakakatulong sa pagpapatupad ng programa. Bilang isang Financial Educator, nabigyan na rin ako ng pagkakataon na ibahagi ang aking kaalaman tungkol sa paghawak ng pera, paano makadagdag ng kita at paano ang tamang pagplano,” ang sabi ni Josue.
Dagdag niya pa na ang finacial literacy na siyang kinakampanya ng IMG ay daan para matulungan ang mga pamilyang Pilipino na maka-ahon sa kahirapan tulad ng mga kasapi ng 4Ps.
“Sa mga kasapi ng 4Ps, oras na magbago ang pananaw sa buhay, maging positibo sa pag-iisip at maging bukas sa mga kaalaman at oportunidad para mapa-unlad ang buhay, tiyak na maging laganap ang tagumpay sa mga ito,” sang sabi niya.
Patuloy na sinasabi ni Josue na sa aspekto ng pagtuturo ng financial literacy sa mga benepisyaryo ng 4Ps lalo na ang tungkol sa tamang pag-iipon at pagpapalago ng kita, makakabayad sa utang at maging handa sa ano mang pagdating ng mga emerhensiya sa buhay, ay talagang makakatulong ang mga financial educators’ ng IMG.
“Ang naturang mga kaalaman ay maaring maging bahagi ng FDS. Ilang beses na rin akong naging speaker sa FDS at ibat-ibang aktibidad ng DSWD. Sa ganitong pamamaraan kami nakatulong ng malaki sa mga benepisyaryo para maging empower sila lalo na ang mga maybahay,” dagdag na sabi niya.
Mapapaunlad ng 4Ps ang serbisyo pa nito kung ang mga naging successful na mga Pamilyang 4Ps ay maaring mag-mentor ng mga kasamahan o pamilya sa programa. Ang pagbabahagi ng kanilang kwento, karanasan at mga kaalaman ang makapagbigay inspirasyon para gawin ang dapat upang maabot ang mga pangarap,” dagdag kaalaman na sinabi ni Josue.
Bago pa man ng retired si Josue sa media ay naging partner na siya ng ahensya sa lahat ng adbokasiya lalo na sa adoption. Isa siya sa mga naging adoptive parents na sumailalim sa tamang proseso ng pag-ampon. Ngayon, ang kanyang ampon na babae ay 22 taong gulang na at kasalukuyang nasa kolehiyo kumukuha ng Bachelor of Science in Hospitality Management sa Colegio del Sagrado Corazon de Jesus.
“Mahaba man ang naging proseso pero kinaya ko kahit single ako. Proud and happy ako whatever my decision dahil naging karamay at katuwang ko sa buhay ngayon ang aking adoptive daughter,” dagdag niya. * (with reports from SDA Focal Nirvana D. Bulacan, Aklan POO)