4Ps Parent Leader naging LGU Link na ngayon

Testimonya ni Merlita V. Cortez
Dating b
enepisyaryo ng 4Ps

IVISAN Capiz – Ako si Merlita V. Cortez, 52 taong gulang at ipinanganak noong Oktubre 2, 1972 sa Barangay Sta. Cruz sa bayan na ito. Ako ay nakapag-asawa kay Rodolfo at nagkaroon ng tatlong anak na ngayon nasa kolehiyo na. Ang panganay naming anak kay kumukuha ng kursong BIT-Automotive Technology habang ang pangalawa ay nasa ikalawang baitang sa kolehiyo sa kursong BIT-Electrical Technology. Kapwa nag-aaral sa Capiz State University – Main Campus, Roxas City at ang pangatlo ay nasa ikalawang baitang sa elementary ng Ivisan.

Taong Oktubre 9, 2009 nang kami ay lumuwas dito galing Manila at mapalad na maisama bilang benepisyayro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong Nobyembre 2011. Nabigyan ako ng pagkakataon na maging isang Parent Leader. Hindi basta-bastang maging isang PL, ang aking obligasyon ay magserbisyo sa kapwa kong mga ka 4Ps. Naalala ko pa na Pebrero 14, 2012 nang nakatanggap kami ng aming kauna-unahang grant. Lubos ang aking kaligayahan at pag papasalamat dahil malaking tulong ito sa pag-aaral ng aming mga anak at sa kanilang kalusugan.

Ngunit isang araw ipinatawag ako ng aming Municipal Link para tumulong sa pag sulat at pagawa ng mga updates ng aking mga kasamahan. Ako ay nasiyahang maging parte ng pagseserbisyo sa kapwa kong benepisyaryo at dahil gusto ko ring makatulong sa sa lahat. Kaya simula noon ay araw-araw na akong pumupunta sa opisina ng 4Ps at naging volunteer na sa mga gawain. Hanggang sa dumating ang panahon na nakitaan ako ng kakayahan at kailangan nila ng LGU-Link para sa 4Ps.

Napakaswerte ko na ako ang nakuha bilang LGU Link dito sa Ivisan Municipal Operations Office. Pagkatapos ng ilang buwan bilang LGU link, ako ay kinausap ng aming Provincial Link kung ako ba ay magpapatuloy bilang benepisyaryo ng 4Ps or maging LGU link. Kailangan kong mamili. Ninais kong maging kasapi ng programa, mapaunlad ang aming buhay, at maging daan upang mas mapadali ang pagtulong at pag-asikaso ng mga dokyumentong kinakailangan ng programa, at dahil gusto ko rin ang mag trabaho, boluntaryo akong pumirma ng waiver.

Simula noon marami ang nagbago sa aking buhay, marami na akong kakilala at kaibigan kahit saan, natuto na rin akong humarap sa maraming tao. Marami akong natutunan lalong-lalo na sa pagsagawa ng Family Development Session (FDS). Habang ako ang nagsasagawa ng FDS, ay natutunan ko rin ang tamang disiplina ng mga bata, tamang pag-iimpok, disaster preparedness at marami pang iba na ngayon ay nai-aaply ko na rin sa aking sarili at sa araw-araw na pamumuhay ng buong pamilya. Unti-unti rin ako natutong magsagawa ng Social Welfare and Development Indicator (SWDI).

Dahil sa 4Ps, maraming pagbabago nangyari sa aking sarili kasi dati ay mabilis akong magalit at uminit ang ulo. Nang dahil sa mga pagsasanay na aking dinaluhan, natuto akong mag control ng aking sarili para sa ikabubuti ng aking buong pamilya. Napagtagumpayan ko ang dati kong pinoproblema na hindi kami magkaintindihan ng aking asawa. Ngayon, pinag-uusapan na namin ang mga problema bago pa ito lumaki.

Naging sangkap ang 4Ps sa aking pagbabago dahil sa buwanang FDS natuto rin ako kagaya ng pag-aalaga at tamang disiplina sa mga bata na hanggang ngayon ay nakakatulong sa aming pamumuhay. Maliban sa 4Ps, ang Sustainable Livelihood Program (SLP) ay isa ring malaking tulong sa aming pamilya dahil naging benepisyaryo din ako sa pangkabuhayan na Vulcanizing Shop at nagkaroon din ng training tungkol sa Catfish Production. Ganoon din ang ahensiya ng Department of Labor and Employment (DOLE) Tupad, isa rin ako sa mga nakatanggap ng tulong para sa dagdag gastusin sa pag-aaral ng aking mga anak.

Para sa mga kapwa kong mahihirap, ang masasabi ko lang ay tiwala sa sarili at pagsisikap ang isa sa ating mga puhunan upang guminhawa sa buhay, gumawa ng tama sa malinis na paraan para sigurado ang mabuting kalalabasan. Para sa akin, hindi hadlang ang kahirapan para sa magandang kinabukasan.

Sa ngayon ipinagmamalaki kong labing-tatlong taon na ako bilang isang LGU Link at ako ay masaya na nagpapatuloy sa pagtratabaho kasama ang aking mga Municipal Links dahil sa kanila ay nag papatuloy at nadadagdagan ang aking kaalaman lalong lalo nag sa paghatid ng serbisyo sa lahat na mga benepisyaryo ng 4Ps. Maraming Salamat sa DSWD dahil sa inyong program ako ay nagkaroon ng matatag na trabaho. (Ipinasa ni ML Ronelyn Necesito, Ivisan MOO, Capiz POO.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD