Inang IPs ilang beses nabigo sa pasinawan, ilang ulit rin sumubok hanggang naging lisensyadong guro

Testimonya ni: Sheena May A. Zaspa
Benepisyaryo ng 4Ps

LIBACAO, Aklan – Ang pamilya namin ay isang Indigenous Peoples (IPs) na napabilang sa katutubong Akeanon Bukidnon sa bayan na ito. Magmula ng isinilang ako sa mundong ibabaw namulat na ako sa simpleng pamumuhay pero may masayang pamilya. Anim kaming magkakapatid na babae at pangatlo ako sa anim. Dahil sa wala kaming pagmamay-aring lupa, palipat-lipat kami ng tirahan.

Pagtatanim at pagtitinda ng gulay ang aming pangunahing hanapbuhay. Kumukuha din kami ng labada, lalong-lalo na nang mawalan ng trabaho si papa at pag walang customer si nanay sa pagmamanicure at pedicure na siya ring pinagkukunan namin sa pang araw-araw na gastusin.

Nakapagtapos ako sa elementary at nagpatuloy sa high school dito sa Libacao National Forestry Vocational High School (LNFVHS). Third year high school nang nakilala ko ang lalaki na naging ama ng una kong anak, nanganak ako January 15,2003 at pinangalanan, Nina Nicolle Angela Araneta.

Ito din ang panahon na kung saan nagkasakit at inoperahan si papa at di ko alam na may taning na pala ang kanyang buhay. Nasa 4th year high school ako noon nang pumanaw si papa. Nag sakripisyo ang aking mga kapatid upang makapag-aral ang iba pa naming mga kapatid at matulungan ang nanay sa pagtatatrabaho.

Nagbukas ang Libacao College Science and Technology (LCST) sa taong nakatapos na ko sa sekondarya. Nakapag kolehiyo ako, kahit ayaw sana ni nanay kasi di niya na daw kaya pero habang nag-aaral ako kinausap ko ang aking mga guro na ako na lang ang magmamanicure at pedicure para may allowance ako at pambili ng pangproject. Huminto ako sa pag-aaral upang maging apparaiser sa isang pawnshop pero kinausap ako ng aking mga guro na bumalik sa pag-aaral, kaya napilitan akong bumalik sa pag-aaral.

Dito ko nakilala si Jeremy “Toto” Zaspa, naging kaibigan ko siya, naging suki sa manicure at pedicure, naging kakwentuhan sa pwesto naming tindahan sa may palengke at kalaunan naging kasintahan. Nasa sa 3rd year college ako ng nabuntis ako ulit.

Ako ay itinakwil na ng nanay kaya nag desisyon kaming magsama ni Toto. Ipinanganak ko ang panganay naming babae noong September 30, 2007 at nasundan pa ito habang ako ay nasa 4th year college. Pero tinapos ko ang aking kurso sa edukasyon.

Hanggang sumubok ako sa unang board examination ngunit nabigo akong makapasa. Sumubok ako muli na kumuha ng board exams hanggang maka pitong kuha na ako. Hindi ko na namalayan naging lima na rin ang mga anak namin. Ang dami na ring pagsubok ang dumating sa buhay namin na naging dahilan kung bakit hindi ako maka pokus sa pagrereview.

Taong 2015 nang nakapasok kami sa 4Ps. Malaki na yong naitulong sa amin kasi nakakabili na kami ng mga pangunahing pangangailngan sa bahay. Medyo hindi na ako masyadong problemado dahil sa cash grants na aming nakukuha mula sa 4Ps kung saan tatlo sa mga anak ko ang minomonitor ng programa.

Dahil dito nabigyan uli ako ng inspirasyon para kumuha ng board exam sa walang pagkakataon. Noong September 29, 2024, buong pusong sumubok muli ako at December 13, ang isa sa pinakahihintay ko na makita ang pangalan ko sa passer ng Licensure Examination for Teacher (LET), at nadinig din ang aking panalangin. Wala akong masabi kundi “THANK YOU LORD”.

Sa ngayon nagtuturo ako sa Libacao College of Science and Technology bilang casual na empleyado. Ang aking pitong anak ay nag-aaral din. Tatlo sa elementary, isa sa Junior High School, dalawa sa Senior High School at isa sa college. Bilang benepisaryo ng 4Ps lubos na nagpapasalamat ako sa tulong na ibinigay sa aking pamilya. Dahil dito nakakapag-aral ang aking mga anak at nakakabilig kami ng aming pangangailangan. Naipapaagamot kung kami ay magkasakit at higit sa lahat katuwang ko sa pagkuha ng board exam sa maraming pagkakataon.

PAGTATAGUYOD

Halos hindi ko na matandaan kung kailan ko nalaman na mayroong Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil nagsimula ito sa aking ina bilang dating benepisyaryo ng programa.

Dahil sa kahirap ng buhay ang aking mag-anak ay nasama rin sa programa. Pero mula noon, malapit na sa aking puso ang pagtuturo kahit hindi pa akong lisensyadong guro ay nagtuturo na ako. Ngayon at ganap na akong guro, patuloy parin ang pagturo ko sa mga kabataan sa mababa or mataas na antas man. Kaya habang ako ay nasa akademya patuloy akong gagabay at naghahasa ng talino, kakayahan at talento ng mga kabataang nangangarap.

Malaking tulong ang organisasyon sa programang 4Ps dahil ang mga unibersidad ay siyang nagtataguyod ng akademikong kahusayan upang mahubog ang mga kabataang nagsisilbi sa ating bayan. Bilang benepisyaryo, malaking tulog sa amin ang programa dahil nagbibigay namin ang pangangailangan ng aming mga anak lalong-lalo na ang mga pangunahing pangangailangan sa paaralan at pangkalusugan.

Maiimumungkahi ko na mapabuti ang serbisyo ng 4Ps sa pamamagitan ng sumusunod: pagpapabuti

Maiimumungkahi ko na mapabuti ang serbisyo ng 4Ps sa pamamagitan ng sumusunod: pagpapabuti ng pag-access sa mga serbisyo, pagpapalakas ng Family Development Sessions (FDS); pagpapaunlad ng antas ng buhay ng benepisyaryo; at pagpapalawak ng saklaw ng mga serbisyo.

Ang pagkaroon ng malinaw na layunin ng 4Ps ang nagbibigay positibong resulta upang matulungan pa ang maraming mahirap na Pilipino. Pagpapatupad ng mga malakas na stratehiya upang makamit ang mga layunin nito. Pagpapalakas ng pakikipagtulungan mula sa ibang sektor at ahensya na mayroong iisang mungkahi na tulungan ang mga kapos-palad nating kababayan. (ndfb Submitted by: MOO Libacao)

Department of Social Welfare and Development – DSWD

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD