“Tiwala”

A testimony of Corazon I. Rufo
SLPA President, KV2 Tricycle Operators SLPA

Ako po si Corazon Ibardolaza Rufo, 48 taong gulang at tubong Barangay Kinalangay Viejo, Malinao, Aklan. Ako po ang Presidente ng DSWD Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) na KV2 Tricycle Operators SLPA. Nakilala ko ang programang DSWD SLP taong 2019. Noong una, nagdadalawang isip ako na gampanan ang responsibilidad bilang opisyal sa aming asosasyon, lalo na’t ako ang napiling mamuno sa grupo bilang pangulo. Bilang isang solong magulang sa aking dalawang anak na lalaki, nag-aalala ako tungkol sa pagbabalanse ng aking mga tungkulin bilang isang ina at sa aking trabaho bilang magsasaka at sa mga karagdagang responsibilidad ng pagiging bahagi ng isang organisasyon. Gayunpaman, matapos ipaliwanag ng DSWD SLP team kung paano makakatulong ang proyekto ito sa amin, nagpasya akong sumali sa SLP Association.

Ang pagiging presidente ng KV2 Tricycle Operators SLPA ay isang bagong karanasan para sa akin. Napakarami kong natutunan. Mula sa pagtulong sa paghahanda ng ulat sa pananalapi, pag ulat sa operasyon ng aming proyektong tricycle, sa pag-oorganisa ng mga aktibidad at pagtiyak ng maayos na pagpapanatili ng aming mga tricycle units. Nagsumikap din ako para mapanatiling buo ang aming grupo. Bukod pa rito, ang tungkuling ito ay nagturo sa akin kung paano epektibong makipag-ugnayan sa iba’t ibang tao, maging ito man ay pangangalap ng mga mungkahi mula sa aking mga miyembro o pakikipag-ugnayan sa mga tanggapan ng gobyerno tulad ng LTO, LGU, BLGU at sa DSWD. Napalakas nito ang kumpiyansa sa aking sarili.

Sa kabila ng aking mga unang pagdududa tungkol sa aking kakayahang pangasiwaan ang responsibilidad ng pagiging pangulo ng aming Asosasyon, lubos akong nagpapasalamat sa pagkakataong mamuno at umunlad kasama ang aking mga kapwa miyembro. Ang karanasang ito ay hindi lamang nagpayaman sa aking mga kakayahan ngunit nagpalakas din ng kakayahan ng aming organisasyon na makamit ang mga layunin.

Ang pagsali sa DSWD SLP ay isang tunay na biyaya na nagbukas ng pintuan para maabot ko ang aking kasalukuyang posisyon bilang DSWD LGU Link at SLP Focal Person sa Munisipyo ng Malinao. Taos-puso akong nagpapasalamat sa DSWD Sustainable Livelihood Program sa tiwala, pagbibigay ng kaalaman at kasanayan na malaki ang naitulong sa aking pag-unlad. Sa pamamagitan ng programang ito, ang aking mga takot ay napalitan ng pag-asa at bagong kumpiyansa sa aking sarili, na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin na harapin ang mga hamon at mabisang gampanan ang aking mga responsibilidad.

Ako si Corazon I. Rufo, isang solong magulang na tumatahak sa mga hamon ng buhay nang may lakas at katatagan. Habang kinakaharap ko ang mga pagsubok na ito nang mag-isa, ipinagmamalaki ko at nagpapasalamat na tinahak ko ang paglalakbay na ito bilang isang empowered member ng Sustainable Livelihood

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD