4Ps Parent Leader nasakatuparan ang mga pangarap bago nagtapos sa programa
ILOILO City – Masaya na ibinahagi ni Nenalen Obaredes ng Brgy. Calahunan, distrito ng Mandurriao, ang kwento ng kanilang buhay habang siya ay naghihintay na umakyat sa intablado para tanggapin ang kanyang sertipiko na sila ay magtatapos na sa programang 4Ps.
Si Nenalen ay isa sa walong Parent Leaders ng Mandurriao sa syudad na ito. Siya ay isa sa 361 sambahayan na magtatapos ngayong araw. Ayon sa kanya, isa lamang sa apat niyang mga anak ang minomonitor ng programa. Siya ngayon ay 3rd year college na kumukuha ng kursong Criminology. Sabi niya maliit pa ang mga anak niya nang nakapasok sila sa 4Ps.
Noong panahon, ang kanyang asawa na si Floreceto ay nagtatrabaho bilang driver sa isang ice plant habang siya naman ang nagluluto ng ulam sa kanilang munting carenderia sa labas ng pinagtatrabahoan ng kanyang asawa na malapit lang sa bahay nila.
Alas 2 ng umaga ay gising na sila ng kanyang asawa para mamalengke at magluto ng ulam. Noon may sumusundo at tagahatid sila na service sa pamamalengke hanggang nakabili sila ng motorcycle na siyang gamit nila sa lahat ng bahay hanggang ngayon.
Ayon kay Nenalen maliit man ang tinatanggap niyang cash grants pero ginagamit niya ito sa tamang paraan lalo sa sa pag-aaral ng mga anak. Malaki ang tulong ng kanilang negosyo sa kanilang pamumuhay at dahil sa pagtutulungan nilang magpamilya, marami ang nagbago sa buhay nila lalo na nang lumago ang kanilang negosyo, nakapag-aral at nakapagtapos ang ibang mga anak. Nasaikatuparan rin nila ang matagal na nilang pangarap ang makabili sila ng motorcyle bilang service sa kanilang pamamalengke at higit sa lahat nakapundar ng bagong Fortuner na sasakyan kahit ito ay hulugan ng ilang taon lamang.
Malaki ang pagbabago sa buhay nila simula na naging benepisyaryo sila ng programa. Bukod sa naging aktibo ang pamilya sa kanilang komunidad, nakapag-aral ng maayos pa ang kanilang mga anak. Ang kanilang panganay na anak na babae na nakapagtapos ng dalawang taon bilang Hotel and Restaurant Services ay siya ngayong namamahala ng kanilang carenderia. Habang ang ikalawang anak naman na nagtapos din sa Hotel Management ay nagtatrabaho na sa Manila samantala ang ikatlong anak na lalaki na hanggang senior high school lang ang natapos ay sa ice plant rin nagtatrabaho. Hindi na ito bumalik sa pag-aaral dahil abala na sa trabaho. Ang panghuli ay ang bunsong babae na nasa kolehiyo na sa ngayon.
Bilang PL, ayon kay Neneta, napalago rin nila ang kanilang negosyo sa tulong ng regular na pagdalo sa FDS kung saang tinuturuan sila kung paano maging masinup sa pera at madiskarte sa kabuhayan na nakakatulong mapalago ang kanilang pamumuhay.
Ang mensahe niya sa kapwa benepisyaryo ay magtulungan ang bawat miyembro sa pagtataguyod ng kanilang pamumuhay, gamitin ng maayos ang cash grant, magtabi ng pera para may magamit sa oras ng pangangailangan at higit sa lahat huwag maging dependent sa 4Ps dahil ito ay panandalian lamang na tulong mula sa gobyerno. *