Serbisyong publiko tungo sa pagbabago
Testimonya ni: Vivian V. Borbolla
4Ps Social Welfare Assistant
JAMINDAN, Capiz – Ako po si Vivian Valdez Borbolla, Social Welfare Assistant na assign sa Jamindan Municipal Operations Office, na nakatira sa Barangay Tiza, Roxas City, Capiz. Ako po noon ay isang LGU Link ng 4Ps Roxas City at isang job order employee sa loob ng walong taon, at ang aking asawa ay isang traysikel driver.
Malaking tulong ang naibigay ng programa sa pagtupad ng aking mga pangarap para sa aking pamilya. Ngayong ako ay naging empleyado na sa ilalim ng programa, nasusustentuhan ko na ang aking mga anak sa kolehiyo at high school. Unti-unti ay naibibili ko na sila ng bagong bag, sapatos at damit at iba pa nilang pangangailangan. Nakapag simula na rin akong makapag-ipon para sa pangarap kong sariling bahay. Nagkakaroon na rin kami ng family time at sama samang kumakain sa labas.
Bukod sa pinansyal na suporta, nakakatulong ang programa sa paggabay ng mga benepisyaryo tungkol sa pag iimpok ng salapi, natuturuan din sila kung paano maging mabuting mga magulang sa mga anak nila, iminumulat sila sa mga karapatan nila sa lipunan katulong ng buwan buwanang pag conduct ng ating Family Development Sessions.
Sa haba ng taon ng aking pagiging LGU Link, naging mulat ako sa magandang layunin ng programa upang matulungan ang mga mahihirap, kayat hinangad ko na maging bahagi ng programa, nang magkaroon ng hiring ng SWA ay sinubukan ko na mag apply at ako naman ay pinalad na matanggap. Ako ngayon ay isa nang social welfare assistant sa munisipyo ng Jamindan, Capiz at isa na sa mga nakasuot ng red vest na handang tumulong sa ating mga kababayan.
Ang pangarap ko sa aking sarili ay magkaroon pa ng mas maraming kaalaman, matatag na katayuang pinansyal sa pamamagitan ng pag iimpok habang nandito ako sa programa. Pangarap ko sa aking pamilya ay mabigyan sila ng bahay na matatawag na sariling amin, at makapagtapos ng kolehiyo ang aking mga anak, at magkasama sama kami makapaglibang o makapagbakasyon.
Pangarap ko para sa programa ay maging isang matibay na saligan ng mga mahihirap na Pilipino kung saan nabibigyan sila ng pagkakataon na umangat sa buhay sa pamamagitan ng edukasyon, maging malusog at malayo sa sakit, at maging matalino at disiplinadong Pilipino.
Ang mga pagbabagong ito sa aming buhay ay naisakatuparan dahil naging kaagapay ko ang 4Ps program sa pagpatuloy ng aking pangarap para sa aking pamilya at ang DSWD upang mapanatili at maipagpatuloy ang pagtulong sa kapwa gaya ng naidulot nito sa aking pamilya. (Jamindan MOO Team, Capiz POO)