Batang 4Ps naging SK Lider, pribadong Titser na
Testimonya ni Ma. Nicole D. Olmedo
Benepisyaryo ng 4Ps
BATAN, Aklan – I am proud to say na isa rin po ako sa naging benepesiyaryo ng 4Ps at malaki ang naitulong nito sa akin at sa aming pamilya. I was 13 years old o 1st year high school noong kamiy nakapasok sa programang ito ng ating gobyerno.
Pero bago yan ,naalala ko noon yong hirap at sakripisyo ng aking mga magulang para lang masustentuhan ang aming mga pangangailangan lalo na sa paaralan. Si Papa po ay isang motorcycle driver, samantalang kung minsan si Mama ay nagbebenta ng isda. Kaya’t kung iisipin hindi sapat ang kinikita nila para mapag-aral kaming limang magkakapatid.
Mahirap, sobrang hirap ang aming napagdaanan sa buhay. Kaya’t laking pasasalamat po namin noong isa kami sa mapalad na napili upang maging benepesiyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Hindi man biglaan pero totooong gumaan ang aming pamumuhay. Kung dati ay mga pinaglumang uniporme lamang ang aming pinagtiyagaan pero ng dahil sa 4Ps nakabili na kami ng bagong uniporme . Kung noon hinahati namin ang aming kanin at ulam, dahil sa 4Ps meron na po kaming sapat na pagkain sa aming hapagkainan. Malaki ang naitulong ng programang ito sa aming buhay lalo na pagdating sa aming pag-aaral.
Sa wakas, kaming limang magkakapatid na nooy naghihirap at natatakot kung makakapag enroll pa ba sa susunod na pasukan ay nakapagtapos na. Lahat ng pagod ng aming mga magulang ay ibinalik namin sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng diploma. Lahat po kami ay nakakatulong na sa aming pamilya.
Taong 2019 nang nagtapos ang aming sambahayan sa programa pagkatapos na naging mabuti na ang aming kalagayan. Ako po ay kasalukuyang nagtuturo sa isang pribadong paaralan dito sa Batan at Sangguniang Kabataan or SK Chairperson ng Barangay Mambuquiao, Batan, Aklan. Kung iisipin at babalikan ang lahat ng aming napagdaanan, sobrang laki ang naitulong ng 4Ps sa aming pag-angat at tagumpay.
Totoo nga pong mahirap ang maging mahirap. Pero mas mahirap kung wala tayong pangarap. Lagi lang po nating tatandaan na magpasalamat sa lahat ng mga biyaya at tulong na dumarating sa atin tulad na lamang ng programang ito. Nawa’y ang 4Ps ay magdala sa atin sa kwento ng tagumpay, nawa’y pahalagahan itong mabuti dahil isa lang ang gusto niyang mangyari, at yun ang makaahon tayo sa hirap at umasenso sa buhay.