SAPIAN, Capiz – Sa kabila ng maraming pagsubok sa buhay, nanatiling matatag si Raffy Borreros sa kanyang minimithi sa buhay lalong-lalo na dahil kapapasa niya lang sa March 2023 Licensure Examination for Teachers (LET).
Para lubos ninyo na maintindihan ang kanyang buhay, heto ang kanyang kwento.
Ang pagtatagumpay ay bunga ng pagpapagal at pagtitiwala sa Diyos na ang inaakalang di kakayanin ay magagawa dahil sa habag at tulong ng Panginoon. Hindi lamang sa sariling lakas tayo’y magtiwala ni sa sariling katalinuhan bagkus tayo’y makiayon sa dikta ng espiritu ng Diyos na nagtuturo sa lahat ng bagay na ninanais ng Panginoong Hesus sa ating buhay dahil sa bawat tao ay mayroong plano na maganda ang Maykapal na magpapaunlad sa iyo. Ngunit sa kabila niyan mayroon tayong desisyon kong susundin ba natin ang kalooban ng Dios o susuwayin.
Narito ang kwento ng aking buhay na naging inspirasyon ko para ipagpapatuloy ang mga pangarap sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa aming buhay.
Noong musmos pa lamang ako wala akong kakayahan ni lakas na gumawa kundi ang mangarap na sa paglaki ay magkakaroon din ng kasaganaan sa buhay at kagalakan na makasama ng matiwasay ang buong pamilya.
Ngunit sa pagdaan ng mga taon at napakaraming pagsubok sa buhay namin, binulaga na naman kami ng mas malaking pagsubok na tumimbang sa aming katatagan bilang isang pamilya. Ito ay ang paghiwalay ng aming mga magulang. Naiwan kaming apat sa pag-aaruga ng aming ama. Mahirap man kami pero binuhay kami ng aming ama sa pamamagitan ng pagsasaka at bilang construction worker.
At bilang nakakantandang anak, ako ang nagsilbing ina sa aking mga nakakabatang kapatid na noon ay uhaw sa pag-aaruga ng isang ina. Sa kabila ng lahat na kahirapan, hindi naming pinabayaan ang pag-aaral. Bawat araw ay lumalakad kami ng dalawang kilometro papunta sa paaralan at pauwi sa bahay kahit walang baon. Minsan, nagdadala kmi ng mga produkto galing sa aming mga pananiman sa bukid at ito ay ipinagbibili sa aming mga kaklase or kaya sa mga guro namin para may iuwing pagkain o baon sa susunod na mga araw.
Sa hindi inaasahan namin, napabilang ang aming pamilya sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Nasa high school ako noon at napahinto sa pag-aaral ng isang taon dahil sa samo’t samong mga kadahilan. Ngunit, ng dumating ang 4Ps, muli akong bumalik sa pag-aaral dahil may sapat na tulong mula sa programa. Naging katuwang na namin ang 4Ps sa mahabang panahon sa pagbibigay ng pinansiyal na pangangilangan sa loob ng tahanan at paaralan hanggang ako ay nakatapos sa high school.
Ngunit, nawalan ako ng pag-asa kung makapagpatuloy pa ba ako sa aking pag-aaral sa kolehiyo dahil ito ay nangangailangan rin ng panggasto. Minsan, nawala na ako sa aking sarili at tinatanong ko ang Panginoon kung bakit pinapahirapan niya kami at kung bakit nangyari ito sa amin? Sa ilang araw kong pagmuni-muni, napagtanto ko sa aking sarili na kung ano man ang mga pagsubok na ibinigay ng Diyos sa amin ngayon alam kung may mga dahilan ito na magbibigay sa amin ng katatagan. Ito rin ang daan na makapasok ako sa Children Ministry kun saan ito ay nagbigay sa akin ng inspirasyon. Bilang grantee, malaki rin ang tulong ng Family Development Session (FDS) para hubugin ang pag-iisip ng aking ama sa tamang pagdala ng relasyon sa bawat miyembro ng pamilya, karapatan ng bata, at iba pa.
Laking tuwa ko rin dahil sa mga panalangin ko, nakapasok ako sa Capiz State University Dayao Satellite College at kumuha ng kursong Bachelor of Elementary Education. Ako’y nakapag-aral ng libre sa kolehiyo dahil sa free tuition sa mga public universities at nagkaroon ako ng scholarship sa Tertiary Education Subsidy sa pamamahala ng Commission on Higher Education (CHED). Sa aking pag-aaral sa kolehiyo hindi naging madali sa akin ito dahil naranasan kong maglakad ng malayo upang makatipid ng pamasahe, gutom, matinding pagod, puyat at stress dahil sa mga negatibong salita na aking maririnig.
Nagdaan pa ang ilang taon, namatay ang aking ama dala na rin sa kalungkutan dulot ng paghihiwalay nila ni ina. Mga sampung taon na rin ang nakalipas mula nang umalis ang aming ina sa bahay at ganoon rin katagal na walang komunikasyon. Ngunit sa hindi inaasan, bumalik ang aming ina sa bahay para punan ang pangungulila naming magkakapatid sa pagmamahal ng isang magulang. Ngunit sa kabila ng mga mapapait na pangyayari, muling tinanggap namin siya ng buong-buo.
Dala ng kasayahan at mapait na alaala sa namayapang ama, nagpatuloy lamang ako sa king mga minimithi sa buhay hanggang sa makapagtapos ako sa kolehiyo nitong buwan ng Hunyo bilang isang Cum Laude. Kaya ang lahat na sakit na aking naranasan noon ay napalitan ng kagalakan. Sa ngayon, naghahanda ako na kumuha ng Licensure Examination for Teachers (LET) board sa susunod na taon para makapagturo na habang patuloy pa rin akong boluntaryong nagserbisyo sa Children Ministry. Patuloy pa rin ang pagmonitor ng programa sa aking mga kapatid na nasa high school na.
Ating tandaan na ang kahirapan ay hindi hadlang sa ating mga nais marating kundi na sa ating mga sarili ang pagkilos upang abutin ito. Isa sa mga saying na pumukaw at tumatak sa aking puso ay “Success occurs when your dreams get bigger than your excuses”. Ang buhay natin ay makulay at mahalaga at ito ay dapat alagaan na kahit sa kabila man ng mga pagsubok, kahirapan, kawalan, at panghihina, huwag tayong sumuko. Take note this saying, “The pain you have today is your great testimony someday”. Huwag tayong mag pukos sa kawalan bagkus magalak tayo sa bawat araw ng ating pagtatagumpay maliit man ito o malaki./
Department of Social Welfare and Development