Sa edad na 86 anyos, minabuti ni Lourdes Velez na manatili na lamang sa barung-barong bahay na ginawa ng kanyang mga kaanak pagkatapos na masira ni Bagyong Odette ang tinutuluyan niyang bahay sa Kabankalan City, Negros Occindetal.
Mabagal na kasi siyang lumakad at pagod na ang kanyang mga paa sa ilang araw na babad sa tubig baha. Ayaw na ni Lourdes na magdagdag pabigat pa sa kanyang mga kaanak dahil sila rin mismo ay apektado ng tubig baha dulot ng bagyo.
Mas masaya na siya na kasama niya ang kanyang anak na si Marilyn, 58 anyos at ang hipag na si Reuwel Coloso, 64 anyos sa iisang bubong. Labis ang kanyang tuwa ng mabigyan sila ng Family Food Packs, libreng tubig at trapal ng lokal na pamahalaan at ng DSWD.
Si Lourdes ay isa ring benepisyaryo ng Social Pension kaya ang sabi pagnakuha niya ang kanyang pera, tutulong rin siya para maipatayo uli ang kanilang nasirang bahay.
Umaasa rin siya na matutulungan sila ng DSWD na makaahon sa kahirapan lalo na sa kalamidad at pandemyang hinaharap sa ngayon.//Photo Credit to Kabankalan City Link Richelle Diopido.