AMING IPINABABATID SA LAHAT NA ANG PAGE NA NASA LITRATO NA MAKIKITA SA GANITONG LINK AY HINDI OPISYAL NA PAHINA NG DSWD: https://dswd-news-update-pilipinas.blogspot.com/…/ayuda….
Huwag magpapaloko. Huwag magbibigay ng inyong personal na impormasyon o sumali sa hindi lehitimong grupo na maaaring kayo ay mai-scam.
Sa Western Visayas, ang tulong sa kasalukuyan na ipinamimigay ay para sa Iloilo Province at Iloilo City na napailalaim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong Hulyo 16 – 31, 2021. Marami na ang mga naka tanggap ng tulong na ang tawag ay SPECIAL AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation.
Ang mga kwalipikado ay mga sumusunod:
1. Mga lehitimong benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 11469 (Bayanihan 1) at karagdagang benepisyaryo ng emergency subsidy sa ilalim ng Scetion 4.f(3) ng R.A. No. 11494 (waitlisted beneficiaries) na nasa database ng DSWD o ng LGU.
2. Mga indibidual na kabilang sa vulnerable groups, mag-isang namumuhay, senior citizens at PWD. Itong mga indibidwal ay dapat hindi nakasali o nakalista na kabilang sa pamilya na benepisyaryo.
3. Iba pang indibidwal at pamilya na ang kabuhayan at trabaho ay apektado ng ECQ kabilang ang mga na stranded sa probinsya, lungsod o bayan na napailalim sa ECQ.
Ang mga nasa Iloilo City at Iloilo Province lamang sa panahon ng ECQ at naapektuhan ang kabuhayan ang maaaring makatanggap.
Kung sa palagay mo ay kwalipikado ka o ang iyong pamilya, makipag ugnayan kaagad sa iyong Local Government Unit na kasalukuyang patapos na ang pamimigay ng tulong. Ang mga hotline numbers ay makikita sa ganitong link: https://www.facebook.com/358324541311426/posts/1205507526593119/
Para maiwasan na maloko o makunan ng personal na impormasyon, subaybayan lamang ang aming lehitimong page na DSWD Western Visayas.