Liezel Estevez Masanit
Benepisyaryo ng 4Ps
Brgy. Iguirindon, San Remigio, Antique
SAN REMEGIO, Antique – Sa araw-araw na pamumuhay natin dito sa mundong ibabaw,hindi natin maiwasang dumanas ng mabibigat na pagsubok sa buhay. Nasa atin na po kung papaano natin ito malampasan at mapagtagumpayan.
Ako po si Leizel E. Masanit , 50 na taong gulang, isinilang at nanirahan sa Brgy. Iguirindon, San Remigio, Antique. Ang aking asawa ay si Ricky at biniyayaan kami ng limang anak, dalawa ang babae at tatlo ang lal
Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay namin. Ngunit hindi sa amin ang lupa na aming sinasaka, pagmamay-ari ito ng kapatid ng aking asawa kaya hindi lahat ng ani ay napupunta sa amin dahil nagbibigay pa kami ng bahagi or porsyento sa kanyang kapatid. Hindi naging sapat ang kita sa ani para matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan ng aming pamilya, kaya humanap din ako ng mapagkikitaan para makatulong sa aking asawa. Naisipan ko na maglako ng kakanin at tumatanggap ng labada.
Dahil sa pagkakaroon ng malaking pamilya, hindi pa rin ito naging sapat, naranasan naming na magdildil ng asin, kumain ng dalawang beses lamang sa isang araw at kumain ng saging at kamote lamang. Mahirap ang buhay ngunit kailangan kumayod para matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan ng pamilya at mapaghandaan ang kinabukasan ng aming mga anak. Luha, pawis at tamang pagsisikap ang puhunan namin alang-alang sa pag-aaral ng aming mga anak.
Taong 2008, may mga taong inatasan ng gobyerno na pumunta sa aming barangay at nag survey sa amin. Kami daw ay pasok sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Ito ay programang ipinapatupad upang labanan ang kahirapan katuwang ang DSWD at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Naging malaking biyaya ang 4Ps para sa aming pamilya lalo na ang tulong pinansyal na amin natatanggap. Higit pa dito napanatiling maayos ang kalusugan namin dahil sakop ng programa ang edukasyon at kalusugan ng buong pamilya. Nais naming mapagtapos ng pag-aaral at mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking mga anak. Pangarap ng lahat ng magulang ang makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak kaya laking pasasalamat ako sa 4Ps dahil sa akala ko na dating imposible ay nagiging possible.
Alam ng nakakara
mi na hindi madali ang magkaroon ng estudyante sa kolehiyo, ngunit sa aming pagsisikap at tulong pinansyal na aming natatanggap mula sa gobyerno lalo na ng 4Ps, tatlo na sa aming mga anak ang nakapagtapos sa kolehiyo at dalawa dito ay may maayos na trabaho.
Sa lima na naming anak, dalawa na lamang ang nag-aaral. Isang first year college at Grade 10. At naniniwala kami na mag-asawa na sa aming pagsisikap at sa tulong programa makakatapos silang lahat. Patuloy pa rin ako sa pagtitinda ng kakanin hanggang ngayon at wala man kaming maipapamana na material na yaman, sapat na sa kanila ang yaman ng edukasyon, simpleng buhay at masayang pamilya. Dahil dito nagpapasalamat ako sa DSWD at sa ating gobyerno na nabigyan kami ng pagkakataon na matulungan para guminhawa na rin ang buhay namin. //