“Minsan naisip ng bawat isa sa atin na sumuko nalang kung wala ring magagawa pero para sa akin kahit ano pa yan malulutas at magagawan rin ng paraan ang lahat. Kami rin ay salat sa buhay pero hindi nawalan ng pag-asang mangarap para sa paparating na bukas.”
Ako po si Ritchelle A. Napole, anak ni Rosalie, isang Pantawid grantee at nakatira sa Sitio Apong Brgy. Cabladan, Sibalom, Antique. Ako po ay isang produkto nang Expanded Student Grant-in-Aid Program for Poverty Alleviation (ESGP-PA) at nkapagtapos noong 2018 at ngayon ay ganap nang Registered Professional Teacher.
Bago ko simulan ang lahat, ako’y nagpapasalamat sa Panginoon dahil sa biyayang ibinigay sa amin, iyon ay maging isang miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Noong elementarya palang ako wala pang programang ganyan kaya medyo mahirap ang buhay kung saan ito ay naging isang instrument para mag-aral ako ng mabuti. Nagtapos ako ng elementarya at nakapag-aral ng sekondarya sa awa ng Diyos. Pero bago iyan, napagsabihan ako ng aking mga magulang na huwag nalang mag-aral dahil walang panggastos. Tamang- tama naman dahil sa mga panahong iyon na kasama kami sa 4Ps at ito ay may napakalaking tulong sa aming pamilya. Nakapag-aral ako ng sekondarya at nakapagtapos taong 2014.
Sa taong rin iyon, napagsabihan kami ng aming Parent Leader na merong scholarship ang Commission on Higher Education (CHED) na tinatawag na ESGP-PA kung saan priyoridad kaming mga 4Ps beneficiary. Kaya dali-dali kung ipinasa lahat ng mga requirements para sa pagsusulit. At sa mabuting palad naipasa ko ang pagsusulit na iyon kung saan ako ay naging isang ganap na ESGP-PA grantee. Napakasaya ako sa mga araw na iyon dahil alam ko na may pag-asa na akong makapag-aral sa kolehiyo.
Sa tulong ng ESGPPA, nakapag-enrolled ako sa Capiz State University- Pontevedra Campus. Kumuha ako nang kursong Bachelor of Secondary Education major in Mathematics. Makalipas ang apat na taon ay nakapagtapos din ang aking kursong kinuha.
Sa awa ng Diyos, nakapagreview ako ng libre para sa Licensure Examination for Teachers sa tulong rin ng Presidenti ng Capiz State University sa pamamagitan ng scholarship. Habang ako’y nag rereview, nagtuturo ako sa isang pribadong eskwelahan. Naipasa ko ang exam at naging ganap na isang guro noong 2018. Tumagal ako sa pagtuturo sa pribadong eskwelahan ng dalawang taon ngunit noong nagka pandemya isa ako sa natanggal noong isang taon.
Sa ngayon nagtratrabaho ako bilang isang substitute local school board teacher sa isang paaralan sa Sibalom, Antique. Masasabi ko talagang napakalaki ang naitulong ng programa ng DSWD sa mga 4Ps kung saan naipatupad ang ESGPPA at naabot ko ang aking mga pangarap.// Ipinasa ni Municipal Link Aisa T. Grafane, Sibalom, Antique POO
Isinulat: Ritchelle Arellano Napole, RPT
ESGPPA Grantee
Brgy. Cabladan Sibalom, Antique