PATNONGON, Antique – Sa kabila ng pinagdadaan natin ngayon, ilang asosasyon na nasa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ay may kanya-kanyang inisyatibo upang matulungan ang kanilang mga miyembro.

Isa na dito ang mga KAtapo kang PATnongon nga naga IRirimaw para sa kauswagAN (KAPATIRAN Inc.) ng Patnongon, Antique. Sila ay isa mga pinondohan ng DSWD-SLP taong 2017 para sa kanilang negosyo na community store at agri supplies.

Noong kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay ginamit nila ang bahagi ng kanilang naipong pera mula sa kanilang kita at namahagi ng face masks at pagkain sa mga frontliners.

Ngayon naman, namigay sila ng food packs sa kanilang 41 miyembro bilang pasasalamat sa mga natanggap na mga biyaya kasabay ng pagdiriwang ng isang taon mula ng buksan nila ang ikalawang tindahan.

Ito ay upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga miyembro ngayong panahon ng pandemya.

Isang patunay na tayong mga pilipino ay handang magtulungan upang malampasan ang lahat na mga problema kahit gaano man kahirap ang ating pinagdadaanan.

Sama-sama tayo sa PagSibol, Hanggang sa PagHilom.

Sama-sama tayo sa pagbangon ng Pamilyang Pilipino!

#DSWDMayMalasakit #SLPSibol
@dswdserves @DSWD_SLP

📷 Aquilino Tamondez Jr., SLPA President

Narito ang link tungkol sa inisyatibo nila noong Marso👇
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=838122146664994&id=358324541311426