MURCIA, Negros Occidental – Kapwa sila lumaki sa trabahong sakada sa Murcia. Sadyang pinagtagpo ang kanilang damdamin. Umabot ito ng sampung taon hanggang ang magka relasyon ay nag desisyon na magpakasal at bumukod ng sariling pamilya. Ang mag asawang Maravilla ay binigyan ng anim na anak si Jimbert, J-merl, Rutchelle, Jingky, Jeamea, at Jessa.
Kapus man sa material na bagay pero mayaman nama sila sa pagmamahal at pangaral nang kanilang mga magulang. Araw araw ang mag asawa ay tulong tulong na nag tatarabaho sa tubuhan bilang sakada upang maitawid ang pang araw na panga ngailangan. Hindi hadlang ang kanilang kahirapan bagkos ito ang daan para mag sumikap na maabot ang kanilang pangarap.
Namumuhay sa simpling barong barong at kumukuha sa sapa nang tubig at nag tatanim nang gulay sa paligid upang may maidagdag na pagkain sa araw araw. Tuwing umaga ang bawat miyembro nang pamilya ay kanya-kanyang responsibiidad sa gawaing bahay. Tinuruan ng mag-asawa ang kanilang mga anak ng tamang pagtapon ng basura , hinihiwalay muna ang pwedeng e recycle, nabubulok at di nabubulok. Sa likod bahay ay may maliit na hukay kung saan itinatapon ang mga nabubulok at ginagawang pataba sa kanilang gulayan.
Pag sapit nang gabi sa hapag kainan nag uusap ang pamilya at kinakamusta nang mag asawa ang kanilang mga anak sa kanilang pag-aaral. Sinusubay-bayan din ng inang si Jesseta ang kanyang mga anak sa paaralan upang masiguro na walang problema sa paaralan. Dahil sa maganda ang mga grado ng ikatlong anak na si Ruchelle, naging scholar siya ng Philippine National Oil Company –Energy Development Company (PNOC –EDC) sa kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management kun saang 80 porsyentong ng matrikula ay libre. Kahit hirap sa buhay pinasikapan ng mag asawa na matustusan ang 20 porsyentong dagdag bayarin sa paaralan.
Taong 2010, nang napasama ang pamilyang sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program kung saan nakatanggap sila ng P5,400.00 pesos na grant na agad naman ibinayad sa karagdagang matrikula ni Rutchelle. Napagtatantu ng mag asawa na hindi na sapat ang kanilang kita para matustusan ang pangangailangan ng pamilya kaya ang sumunod na nakuhang grant ay ginamit panimula ng pangkabuhayang babuyan.
Sa bawat pagsubok na dumadating sa kanilang pamilya ay kanilang pinag-uusapan bilang isang matatag na pamilya at tulung-tulong na inaayos at hinahanap ng paraan na maresolba. Lahat na mga pagsubok sa Puong Maykapal
sila kumakapit.
Dahil sa sipag at tiyaga, napagtapos si Rutchelle sa kanyang kurso at kasalukuyang nagtratrabaho sa L’Fisher Hotel bilang cashier. Sa ngayon nakakatulong na si Rutchelle sa kanyang pamilya at unti-unting napalago na ng pamilya ang kanilang kabuhayan. Sunud-sunod na ang biyayang dumating sa pamilya at unti-unti nilang napaayos ang kanilang bahay at naka pagtapos na rin ang ibang mga kapatid.
Habang lumalaki ang kanilang mga anak at lumalaki din ang gastusin kaya napag pasyahan nang mag asawa na mag dag dag nang pang kabuhayan lalo na sa pagtatanim. Lalo itong napag tibay nang napili ang asawang si Jesseta na mag training sa Organic farming sa Sm Foundation noong April 2014. Nadagdagan ang kanyang kaalaman sa pagtatanim ng wastong pamamaraan lalo na ang pag gamit ng organic farming.
Para kay Jesseta, malaking tulong para sa kanya ang Family Development Session buwan buwan , maraming malalaman para sa ikaka-unlad nang sarili at pamumuhay. Lalo na para sa mga anak. Doon rin niya nalaman na kailangan mag segregate ang mga basura.
Taon 2016, nadagdagan ulit ang kanilang puhunan dahil sa Sustainable Livelihood Program. Binigyan sila na seed capital assistance na P10,000.00 pesos para sa organic farming. Ginamit ne Jesseta ang pera para magkaroon nang maliit na tindahan. Dito lalo lumago ang pamumuhay nila at natustusan nang pamilya ang pangangailangan nang mga anak.
Sa ngayon, ang pamilya ay mayroong ng maayos na kabuhayan , may professional na na mga anak at maayos, masaya na tirahan at pamumuhay.
Para sa pamilta, kasipagan at panalangin ang siyang susi nila sa tagumpay nang bawat.//dswd/mgc (Prepared by: Grace Barsabal, ML MUrcia, Negros POO1)
#MaagapAtMapagkalingangSerbisyo
#DSWDMayMalasakit
#StoryOfChange
#OnePantawid