Noong panahon ng 1973 sa isang liblib na pook ng Had.
Valing, Blumentritt sa bayan ng Murcia, Negros Occidental may isang binatang nakatira sa katauhan ni Antonio. Si Antonio ay napakabait at napakasipag. Minsan may isang dalagang nagmula sa Hinigaran and nagbakasyon sa kanilang pook na si Febbie.. Nabighani ni Febbie ang puso ng binata, hanggang sila ay nagka ibigan.
Iyon ang simula ng kanilang wagas na pagmamahalan. At nagsimula silang mamuhay sa isang maliit na barongbarong. Biniyayaan sila ng siyam na supling na sina Leah, Bonnie, Jennie, Janeth, Anthony, Ana Fe, Jonavie, Vincent and Jovin.
Dahil sa dami ng kanilang anak pinagtulungan ng mag asawa ang paghahanapbuhay. Dalawa silang nagtrabaho sa Hacienda Valing, Brgy. Blumentritt, Bayan ng Murcia, Negros Occidental. Nagtutulungan rin sila sa pagtatanim ng mga gulay at prutas upang makadagdag sa kanilang makakain. Pinagsikapan ng mag- asawa na maitaguyod ang pang araw-araw na pangangailangan. Sapat lang ang kanilang kinikita sa pagkain. Dahil dito hindi na napaayos ang bubong at dingding ng kanilang maliit na barongbarong na naging dahilan sa hirap na dinadanas nila tuwing umuulan. Ginagawang kumot ni Febbie ang plastik ng abuno sa kanyang mga anak upang di mabasa ng ulan. Dahil rin sa kahirapan namatay ang isang anak nito na si Janeth.
Sa kabila ng kahirapan, palaging pinapaalala ni Febbie sa kanyang mga anak ang kahalagahan ng pananampalataya sa Panginoon, importansiya nga pag-aaral at pagtutulungan. Bunga nito sa bawat hapon at panahon na walang pasok ang buong mag -anak ay nagtutulungan sa pagtrabaho sa hacienda upang mkaipon ng sapat na pera at maipaayos lang man ang kanilang maliit na tahanan.
Dahil sa kapos na pamumuhay, nakiusap si Febbie sa kanyang mga kapatid na medyo angat ang estado sa buhay, na tulungan ang kaniyang anak na sina Leah, Bonnie and Anthony sa kanilang pag aaral sa Sekondarya. At palaging pinapangaralan ang mga anak na pagsikapang makatapos sa pag -aaral upang gumanda ang kanilang kinabukasan. Dahil rin sa sipag at tiyaga ng mga bata naipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral sa mataas na paaralan Hinigaran.
Sinubok ang katatagan ng pamilya ng isang araw ang padre de pamilya na si Antonio ay nahulog sa alagang kalabaw na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan. Nag -iisang itinaguyod ni Febbie ang pangangailangan at pag-aaral nga kaniyang mga anak. Nahinto rin sa pag-aaral ang panganay na si Leah upang tulungan ang kaniyang ina. Pumasok bilang kasambahay si Febbie upang matustusan ang pangangailangan nga mga anak. Nabuntis ang isang anak nito na si Jennie at namatay sa panganganak , naiwan ang isang sanggol sa kanila.
Taong 2013 na mapasama si nanay Febbie sa listahan ng SET 7B ng mga benepisyaryo ng mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Ayon sa kaniya, ang programang ito ang isa sa sagot ng Panginoon sa kaniyang dalangin. Ang natanggap na “ conditional cash grants” o tulong pinansyal ay kanyang ginamit para tustusan ang gastusin sa pag-aaral ng kaniyang bunso na si Juvin at kanyang mga apo. At nagbunga ng matagumpay na pagtatapos ni Jovin sa kolehiyo sa kursong BS Criminology dalawang taon ang nakalipas at sa ngayon ay namamasukan bilang isang alagad ng batas sa PNP-Sagay. Lahat ng pagsubok ay hinaharap nilang mag-anak na sama-sama at may pagtutulungan.
“Kabalikat naming ang Pantawid Pamilya sa aming pag-asenso. Nagpapasalamat rin ako sa Programang Pantawid sa laki ng naitulong nito sa aming pamumuhay at naging gabay rin ang FDS upang mas lalo kung napabuti ang responsibilidad ko bilang magulang,” ang sabi ni Febbie.
Hanggang sa nagsikap sina Jonavie at Vincent upang makapagtrabaho sa bansang Saudi Arabia bilang domestic helper. Unti-unti umangat ang kanilang pamumuhay. Lahat ng kanilang paghihirap ay nagbunga ng katiwasayan sa buhay.
“Nakapagpatayo na kmi ng konkretong bahay at may sarili ng sasakyan dahil sa pagsisikap ng aming mga anak.
Pananampalataya sa Diyos, pagtutulungan, sipag at tiyaga ang pagiging masinop, inang mapag aruga at masipag ang naging sekreto nila sa pag asenso,” sabi ni Nanay Febbie.
Payo niya sa kapwa benepisaryo lalo na sa mga ina o ilaw ng tahanan, na kailangan maging huwaran at gabay sa mga anak, bigyan ng importansya ang edukasyon sa pamamagitan ng pagsubaybay sa mga anak sa kanilang pag-aaral at kanilang pangangailangan.
Dagdag niya pa na iwasan nga mga magulang ang bisyo gaya sugal at tsismis upang ang oras nila ay maigugol sa pagpapa-unlad ng pamumuhay. Nagpapasalamat rin siya sa programa sa laki ng naitulong nito sa kanilang pamumuhay at naging gabay rin ang Family Development Session (FDS) upang mas lalo mapabuti ang pagiging magulang nila at lalong mapatibay ang kanilang kakayahan sap ag-abot ng kanilang mga pangarap sa buhay.
Para kay Nanay Febbie, nakatawid na sila sa kahirapan patungo sa patuloy na pag-unlad pinansyal, espiritwal at pisikal na kondisyon, kaya kusa siyang naglagda ng “Waiver” patunay na pagpapa-ubaya ng kanyang mga pribilihiyo na makukuha sa programa ng Pantawid nitong Pebrero 22, 2019.
Nilagdaan nya ang nasabing waiver sa harap nga parent leader na si Verbina Cantal and Ms. Aida B. Mamar , Prinsipal ng Paaralan ng Gov. V Gatuslao, Had. Valing, Brgy. Blumentritt, Murcia. //dswd. (Writer: Maylen T. Burata , Municipal Link – Murcia). MGC