uANTIQUE — Ang mga benepisyaryo ng Barangay Budbudan, Hamtic in Antique ay nagkaroon  ng gulayan dahil isa ito sa mga proyekto nila noong una pa. Ito ay nag-umpisa noong Hunyo 13, 2015 sa pangunguna ng kanilang Parent Leader na si Ginoong Santo. Ang lupang kanilang tinataniman ay pagmamay-ari ng isa ring benepisyaryo at ang ibang myembro ay wala rin mapagtamnan kung kaya sila ay nag pasya na lamang na gamitin ito para sa kanilang community garden. Ito ay naglago hanggang sa ngayon dahil sa pagpupursigi nila. Ito ay pinaghahandaan at pinagtutulungan ng bawat miyembro para matupad itong simpleng gulayan. At ito rin ay kanilang gustong paunlarin dahil sa may malaking dahilan ang kanilang grupo, una para mabawasan ang malnutrisyon at ikalawa, mayroon sila ng pagkakakita-an.

Ang mga kontribusyon na ibinahagi ng mga miyembro sa pagbuo ng kanilang gulayan ang pagkakaroon nila ng pagkakaisa at nag-aambag ng mga materyales para kahit papano mabuo nila ang kanilang gulayan. Nag-aambag sila ng mga punla para maitanim sa kanilang gulayan. Bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang obligasyon at nagbibigay ng mga gulay na maitanim tulad ng okra, kapayas, kamote, talong, patola, gabi, sitaw, sili, kamatis, alogbate, tanglad, sili (pidada), kangkong at marami pang iba. Mayroon sila iskedyul sa pagdidilig, pag-aalaga at pamimitas sa aming gulayan, mayroon silang grupo kada araw sa bawat linggo.

Mahalaga sa kanila ang gulayan dahil sa kanilang barangay marami ang mga malnutrisyon at ito ay nababawasan dahil dito sa kanilang gulayan. At sa tulong din nito, nagkakaroon din sila ng pagkakakita-an. Nagtitinda sila isang beses sa isang lingo. Kumikita sila ng P150-P200 kada linggo at ito ay napupunta sa kanilang mga bayarin, tulad na lamang ng pamasahe ng Parent Leader sa paghahatid ng mga dokumento sa ng Pantawid at photocopy ng kanilang mga dokumento.

Ang gulayan na ito ay nakakatulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbawas sa malnutrisyon sa kanilang barangay, nakakadagdag sa kanilang kabuhayan, at sa pang-araw-araw pagkain. //Hamtic MOO/MGC