Hango at isinalin sa wikang Filipino mula sa
Achieving True Success: How to Build Character as a Family
2000 International Association of Character Cities
520 West Main Street, Oklahoma City

Social Technology Bureau
October 2003

PAUNANG SALITA

Ang ating pag-uugali o ang tinatawag na KARAKTER ay siyang ating lakas at kahinaan. Ito ay mahalaga dahil ito ang magpapakilala n gating nakaugat sa panloob nating katangian.

Kung tayo ay napupuno ng mga positibong pag-uugali at katangian katulad ng kagandahang loob, disiplina, responsibilidad at pagpupunyagi, tayo sa kagawaran ay magiging produktibo. Ito rin ang magtutulak sa atin upang maging masikap, disiplinado, malikhain, responsible at mahinahon sa pagsasagawa ng ating mga Gawain at tungkulin bilang kawani ng Kagawaran.

Ang Lakas ng Karakter ay isinulong ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad na maging programa para sa mga kawani upang magsilbing gabay sa pang araw-araw nating buhay sa pamilya, Kagawaran at sa komunidad. Ito ay hango mula sa “Achieving True Success: How to Build Character as a Family, International Association of Character Cities, 2000”. Ito ay isa sa mga programa ng pinagpatibay ng Kagawaran kasama ng “Institute in Basic Life Principles” mula sa Estados Unidos.

Kayo ay aming inanyayahan na muling palakasin ang mga likas na positibong pag-uugali at katangian ng pamayanang Pilipino. Sa pamamagitan ng pagpapalakas n gating sariling Karakter ay mapapalakas natin an gating pamilya, Kagawaran at sambayanan.

Mabuhay ang mga kawani ng DSWD!

MABUHAY ANG PILIPINO!
(Signed)
CORAZON JULIANO N. SOLIMAN
Kalihim
Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad

LAKAS NG KARAKTER

 PAGSASATAGUMPAY NG MGA PAG-UUGALI

(Mga Pamamaraan ng Pagpapatibay ng Sariling Pag-uugali)

            Ang pagtuto sa buhay ay nakaugat sa mga positibong pag-uugali na mayroon ang bawat isa sa atin. Ang tunay na kapayapaan sa isip at damdamin ay nasa pagtanggap sa sarili at sa kapwa sa lahat n gating kahinaan at kalakasan. Ang mga ito ay nakaugat sa ating mga pag-uugali o katangian sa pagtugon sa mga dumadating na iba’t-ibang sitwasyon at pagsubok na dumating sa ating buhay.

            Ang layunin n gating maiksing aral ay upang mapagtagumpayan natin an gating mga pag-uugali sa pamamagitan na pagtuto ng mga iba’t-ibang pamamaraan na pagpapatibay ng sarili nating pag-uugali.

Paano Natin Mapagtitibay ang Sarili Nating Pag-uugali?

Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa pagpapatibay ng sarili nating pag-uugali.

Pagkakaroon ng Pananaw

  • Unang-una sa pagkakaroon ng perspektibo ay ang pagkakaroon ng responsibilidad na palakasin ang layunin na pagtibayin ang sarili
  • Magkaroon ng desisyon sa sarili na pagtagumpayin ang mga pag-uugali
  • Magkaroon ng motibasyon sa buhay
  • Magkaroon ng personal na komitment na pag-ibayuhin at patatagin ang mga positibong pag-uugali

Pagpaplano at Paghahanda

  • Paglingon sa sariling mga gawa
  • Paghahanay ng mga mithiin at layunin sa buhay
  • Pagguhit ng plano o daan na nais tahakin

Pagsasanay

  • Pagmomodelo at pagpapakita ng mabuting pag-uugali
  • Pagpupuri ng mga mabubuting pag-uugali
  • Pagtuturo ng kabutihang asal
  • Pagkilala ng mga mabubuting asal
  • Pagsasatama ng kabutihang asal

Pagsasanay

  • Pagsasama-sama (togetherness)
  • Pagpapaliwanag ng mga kahalagahan nito
  • Pagpapasa ng Resolusyon sa pangkalahatang Gawain
  • Pagbabahagi ng pangkalahatang plano

Mga Benepisyo at Epekto sa Sarili sa Pagpapatibay at Pagpapalakas ng Pag-uugali

  • Nakakataas ng moral
  • Nakapagpapatibay ng relasyon sa kapwa
  • Napag-iigi ang kalidad ng mga Gawain
  • Napapalago ang relasyon sa mga kliyente
  • Mas nagiging produktibo
  • Naiiwasan ang mga pagkakamali at aksidente
  • Mas maayos na serbisyo
  • Napag-iibayo ang pagkaka-isa at unawaan

 

KAtitle final revision smallBUTIHANG LOOB (Generosity vs. Stinginess)

Ang maingat na paggamit sa mga kakayahan upang makatulong sa mga nangangailangan.

Mga Katangian:
•    Tumutulong sa mga gawain na hindi kayang matapos ng iba
•    Hindi nagsasayang ng oras sa mga bagay na hindi nakakatulong sa kagawaran
•    Pagtatapos sa takdang oras ng mga gawain upang makatulong sa iba
•    Pagbibigay ng oras upang makatulong sa iba

 

Paano ito Maipakikita sa Pangasiwaan?
•    Ibabahagi ko ang kung ano ang mayroon ako sa iba
•    Muling paggamit ng mga bagay na isinasantabi (Recycle)
•    Hindi maghihintay ng kapalit sa aking kabutihang loob
•    Ibibigay ko ang aking oras at kakayahan
•    Pupurihin ang mga kabutihang nakikita ko sa iba

Benepisyo/Epekto

•    Kasiyahan (Joy)

Higit na kasiyahan ang nadarama ng isang taong nagbibigay.  Ang pagbibigay ay nagdudulot ng mas lubos na kasiyahan kaysa sa tumatanggap

•    Pagkakaibigan (Friendship)

Higit na mahalaga kaysa sa mga totoong pakinabang na ibinibigay sa ibang tao ay ang pagsasamahan na nabubuo sa pagitan ng nagbibigay at binibigyan.  Ang isang tunay na pagkakaibigan ay hindi matutumbasan ng kahit anong uri ng sakripisyo.

Click here to view the model employeeshttps://fo6.dswd.gov.ph/download/director’s_corner/Generosity-v1_2.png