Ang KAPATIRAN, Inc o mga KAtapo sang PATnongon nga naga IRirimaw para sa kauswagAN, Inc. ay isang asosasyong binuo noong taong 2017 na pinondohan ng DSWD- SLP para sa kanilang proyektong agricultural and poultry supply.
Ito ay pangatlong beses na nilang pagsagawa ng tree planting kasabay ng anibersaryo ng kanilang asosasyon. Ngayong taon, bilang pagdiriwang ng isang dekada ng SLP ay nais nilang ipakita ang isang halimbawa ng pagkamit ng tagumpay ng kanilang asosasyon at upang maging inspirasyon sa iba pang mga katulad nilang naghangad ding sumibol at kalaunan ay kanilang nakamtan.
Sa pamamaraan ng pagtanim ng punong kahoy, nais nilang makatulong sa kanilang bayan at sa kapaligiran, at itong mga puno ay magiging simbolo ng kanilang pagsibol. Ito ay dinaluhan ng mga Board of Directors ng KAPATIRAN, Inc. kasama ang SLP Project Development Officer na si Ken Jerich Cervera.
Ang asosasyon ay nakipag-ugnayan sa kanilang Municipal Enviroment and Natural Resources Office (MENRO) at ito ay lugod namang sinuportahan ng Lokal na Pamahalaan ng Patnongon.
Ngayon, ang asosayon ay nagmamay-ari ng limang stall sa bayan na may ibat-ibang produkto at serbisyo tulad ng poultry and agri suppies, itlog ng manok, photocopying and printing services, party needs and rentals, frozen goods at community store.
Matatandaaang isa din sila sa mga asosayong nagbigay ng tulong sa kanilang myembro, komunidad and front liners nitong panahon ng pandemya./